|
Balot na balot si 'T-back Queen' nang humingi ng dispensa gamit ang Facebook |
Sa loob lang ng ilang araw ay biglang gumuho ang
umaapaw na tiwala sa sarili ng isang Pilipinang domestic helper na ginamit ang
pangalang “T-back Queen” sa Facebook at buong pagmamalaking gumagala-gala dati sa Hong
Kong na kakaunti ang saplot sa katawan.
Kahapon, ika-15 ng Nobyembre ay buong pagpapakumbaba
itong humingi ng paumanhin matapos kumalat ang isang video na siya mismo ang
kumuha at nagpapakita sa kanya habang nasa kama kasama ang isang Intsik na
lalaki na nilalaro ang kanyang mayamang dibdib.
Ayon sa Pilipina na ayon sa ilang kakilala ay Cherry daw ang tunay na
pangalan, 41 taong gulang at may asawa’t anak sa Pilipinas, pinost niya sa
Tiktok ang video pero naka private daw ang setting, at hindi niya alam kung
sino ang naka hack nito at nagpakalat.
“Humihingi ako ng paumanhin at sorry sa lahat. Alam
kong mali ang ginawa ko,” ang sabi ni Cherry na balot na balot ang katawan,
taliwas sa mga litrato na pino post niya dati sa mismong Facebook account niya na nakalabas
ang T-back panties sa suot na maiksing shorts, at madalas na bra lang ang
pantaas.
“Humihingi
ako ng tawad so please, huwag na po ninyong i-share yung video ko,” dagdag pa
niya. “Wala akong sinendan ng video na yan, akin lang talaga.”
Kasabay ng pagkalat ng video at iba pang mga litrato
na galing sa kanyang TikTok account ang pagtanggal niya ng kanyang Facebook
account gamit ang pangalang T-back Queen.
|
Nabahala ang nag-post ng litratong ito ni T-back Queen na namamasyal sa Word-Wide Plaza |
Nangyari ang pagkalat ng video ilang araw matapos
maglabasan ang mga litrato niya na buong tapang na rumampa sa isang car show sa
Chater Road noong Nov. 7, na ang tanging suot ay isang maiksing shorts na butas ang magkabilang
gilid at tinernuhan ng backless na brang maong.
Pagkatapos niyang magpakuha ng litrato sa itaas ng
kotseng naka display doon ay lumakad naman siya papasok sa siksikang WorldWide
Plaza kung saan di iilan katao ang hindi nakatiis na kunan siya ng litrato at
ipost ang mga ito sa Facebook.
Bago ito ay sumakay pa siya sa tren ng MTR at ginulantang
ang mga tao doon dahil sa buong tapang niyang pagpapakuha ng mga litrato.
May ilan pang naglabasan na litrato na nagpapakita
din kung paano siya naglalakad-lakad tuwing day-off na pawang mapang-akit ang
mga suot, kabilang ang isang kulay kahel na damit na hapit na hapit, at kita
din sa butas nitong tagiliran na wala siyang suot na panloob.
Marami ang nagulat at nagalit sa kapahangasan niyang
maglantad ng katawan, pero may ilan ding kumampi sa kanya, kabilang ang
litratista niyang Abby Sugar ang pangalan sa Facebook, na buong tapang na
nagsabi na inggit lang ang mga pumupuna sa magandang hubog ng kanyang katawan.
Ang iba naman, sinabi na karapatan niyang gawin ang
anumang gustuhin niya sa sarili niyang katawan.
Pero mas marami ang hindi natuwa, kabilang si Marites
Palma, founder ng Social Justice for Migrant Workers.
Pagkatapos sabihin na “tinamaan na din ng hiya
finally” si Tback Queen dahil sa lumabas nitong video, sinabi ni Palma ang: “Kung
may angking kagandahan at kakayahan gamitin sa tama para gumanda ang image
nating mga Pilipino, hindi yang kutyain tayo…”
Sumang-ayon naman dito si Leo Selomenio, founder ng
Global Alliance Hong Kong, at kilala sa pag-oorganisa ng mga patimpalak-kagandahan
sa Hong Kong.
Sabi ni Selomenio, “Kaya nga lumakas lalo ang loob
dahil kahit nakita nang mali ang ginagagawa pinagtatanggol pa din. Pumunta tayo
dito para magtrabaho, hindi magkalat na damay ang lahat. Marami ang nagsasabi
(huwag) makialam kahit maling mali ang nakikita, pikit mata lang. Kagigil ang
mga ganyang prinsipyo. DH ka tapos ganyan ang gagawin mo.”
|
Galing daw sa isang local resident ang galit na reaksyon na ito sa pakulo ni T-back Queen |
May ibang hindi nakapagpigil at isinumbong ang
lantarang pagpapakita ng katawan ng mapangahas na Pilipina sa Konsulado.
Ayon kay Konsul Heneral Raly Tejada, “According to
our ATN (assistance to nationals section) may nag email to report this matter.
We invite the email sender to see our ATN section walang masyadong detalye ang
email niya.”
Hindi siya nagbigay agad ng komento kung maari bang
pagbawalan si T-back Queen sa ginagawa niyang pagbilad ng kanyang katawan sa
publiko, bilang isang Pilipino at residente ng Hong Kong.
Pero batay sa section 101 ng Criminal Procedure
Ordinance ng Hong Kong, ang paggawa ng anumang bagay na nakakabahala sa moralidad
ng publiko (“outraging public decency”) ay maaring parusahan ng pagkakakulong
ng hanggang pitong taon.
Tinutukoy ng batas na ito ang anumang gawain na
nagdudulot ng eskandalo o pandidiri sa iba, at posibleng makasira sa moralidad
ng publiko dahil maaring pamarisan.
Kung ang pagbabasehan naman ay ang “Code of
Discipline for Overseas Filipino Workers” ay maari ding ituring na may ginawang
paglabag si T-back Queen, dahil sa paulit-ulit niyang paggamit ng mga
mapangahas na kasuotan sa publiko, at ngayon ay may sex video pa.
Kabilang sa mga pinagbabawal sa ilalim ng
panuntunang ito ang paggawa ng isang OFW ng mga bagay na makakasira ng interes
at kapakanan ng kanyang kapwa manggagawa, at paglabag sa mga batas at patakaran
ng bansang kanyang pinagtatrabahuan.
Nakaatang din sa balikat ng bawat OFW ang obligasyon
na maging “ambassador of goodwill” ng Pilipinas saan man siya makarating.
Kabilang sa mga maaring ipataw na parusa sa mga
lalabag sa Code of Discipline ay ang pagbabawal na mangibang bansa siyang muli
na ang tagal ay depende sa kung gaano ka seryoso ang ginawa niyang kasalanan.