Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mag-ingat sa phone scam, sabi ng Immigration

Posted on 20 September 2023 No comments

 

Pangalan ng mga tunay na tauhan ng Immigration ang binibigay ngayon ng mga scammer

Nagbabala ang Immigration Department laban sa mga manloloko na tumatawag sa telepono sa mga tao at nagpapakilalang tauhan nila para makuha ang kanilang mga personal na detalye katulad ng tunay na pangalan, edad at tirahan.

Para mapaniwala ang kausap ay nagbibigay daw ang mga scammer ng mga tunay na pangalan ng mga tauhan sa Immigration, titulo sa departamento, telepono sa opisina.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Tinatawagan nila ang isang target gamit ang isang pre-recorded message at tatanungin kung may inaplayang serbisyo sa Immigration, katulad ng pagkuha ng HKID card o visa, at tapos ay ililipat sa ibang departamento kunyari para kunin ang kanilang mga personal na impormasyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Paalala ng Immigration, personal nilang tinatawagan ang mga aplikante kung kinakailangan. Hindi din maaring basta na lang pumunta sa kanilang opisina ang sinuman para humiling ng serbisyo.

Dapat na maging mapanuri at maingat ang lahat kapag may tinanggap silang kahina hinalang tawag, at iwasan ang pagbibigay agad ng personal na impormasyon nang hindi muna sinisiguro kung sino talaga ang kausap nila sa telepono.

Kung may duda sa tawag ng isang nagpakilalang taga Immigration ay maaring tumawag sa kanilang hotline, 2824 6111 o magtanong sa pamamagitan ng email, enquiry@immd.gov.hk.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maaari ding makipag-ugnayan sa mga tauhan ng Anti-Deception Coordination Centre sa pamamagitan ng pagtawag sa 24-hour police enquiry hotline, "Anti-Scam Helpline 18222".

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang sinumang may kutob na binibiktima sila ng mga scammer ay dapat magsumbong agad sa pulis.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!


Nakipag-away sa Central, pinagmulta ng $2k

Posted on No comments

 

Ang pinangyarihan ng away

Isang Pilipino ang pinagbayad ng $2,000 bilang multa matapos umamin na nakipag-away siya sa tatlong Intsik sa tapat ng isang Indian restaurant sa Lan Kwai Fong, Central.

Inamin ni E.Torres. 23 taong gulang at isang waiter, ang paratang ng investigation team ng Central Police nang humarap siya kahapon (Sept. 19) kay Principal Magistrate Ivy Chui sa Eastern Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Parehong pinagmulta rin ng $2,000 ang dalawa pang Intsik na umamin din sa pagsali sa away -- sina Li Qiuxion, 54 taong gulang na negosyanteng may two-way permit; at Huang Kenjia, 39 taong gulang na garment factory worker na mula sa China.

Ang ikaapat na kasama sa kaso, si Wong Hok Mo, 53 taong gulang na property management technician, ay hindi umamin kaya ipinagpaliban ang pagdinig ng kanyang kaso sa Nov. 14.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakalaya siya sa piyansang $500.

Naganap ang pag-aaway noong Aug. 21 sa harap ng Carat Fine Indian Cuisine & Bar sa D’Aguilar St. sa Central.

Ang pinakamataas na parusa sa pag-aaway sa pampublikong lugar, ayon sa Chapter 25 ng Public Order Ordinance, ay multang $5,000 at pagkakakulong nang isang taon.

 

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Nawawala daw, kulong ng 6 na buwan dahil sa pagnanakaw ng $59,900

Posted on No comments


Cely Espero

Anim na buwang kulong ang ipinataw sa isang Pilipina, na nauna nang naibalitang nawawala, matapos siyang umaming nagnakaw sa kanyang amo ng cash at mga alahas na may kabuuang halagang $59,900.

Tinanggap ni Cely Espero, 55 taong gulang at domestic helper, ang sentensiya nang humarap siya kay Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi sa Fan Ling Court nitong Lunes (Sept. 18). Agad din siyang ibinaik sa kulungan para tapusin ang kanyang sentensiya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kinasuhan si Espero ng paglabag ng Theft Ordinance, na nagtatakda ng parusang aabot sa 10 taong pagkabilanggo. Pero pinili ni Magistrate Cheng na simulan sa siyam na buwan ang parusa ni Espero, at dahil sa kanyang pag-amin ay nabawasan pa ito ng 1/3, kaya anim na buwan ang natira.

Ayon sa kasong isinampa ng Tai Po Police, nangyari ang pagnanakaw mula July 2022 hanggang July 22, 2023 nang arestuhin siya sa bahay ng amo niya sa Forest Hill, Tai Po.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inamin ni Espero ang pagkuha ng cash na $2,300, kasama ang dalawang singsing, tatlong gintong pulseras at isang gintong pendant na nagkakahalaga ng kabuuang $57,600.

Si Espero, na taga La Union, ay ini-report sa The SUN ng kanyang pamangkin na si Mayet na nawawala simula pa nang huli silang mag-usap noong July 22, dahil hindi niya sinasagot ang kanyang telepono. 

Hindi rin sumasagot sa tawag ang kanyang amo na siyam na taon niyang pinagsilbihan.

Yun pala ay pinaaresto siya ng amo noong araw ding iyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inilapit ni Marites Nuval, lider ng mga grupo ng mga taga La Union sa Hong Kong, kay Welfare Attache Dina Daquigan ang tungkol sa balitang pagkawala ni Cely.

Sinabi raw ni Daquigan na kahit sila sa Overseas Workers Welfare Administration ay hindi makontak ang employer ng OFW.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Mayet, na siyang nanghingi ng tulong noong July 28, ay kumontak ulit makalipas ang ilang araw. “Walang nangyari po, nasira po ang cellphone ng anti (auntie) ko po," ika niya.

Ayon pa kay Mayet, wala naman silang alam na problema ni Cely dahil maayos ang kalagayan nito sa trabaho, at katunayan ay kakapirma lang niya ng bagong kontrata sa amo, at may planong umuwi para magbakasyon ngayong Disyembre.

Si Espero ay may asawa at tatlong anak.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

New OWWA welfare officer posted in Hong Kong

Posted on 19 September 2023 No comments

 

Sumalinog with CG Tejada (left) and the other officials of the Consulate (right)
including Labatt Dizon, rightmost; Welof Daquigan, leftmost and ALA Tony Villafuerte beside her

The Philippine Consulate General announced the arrival in Hong Kong of a new welfare officer of the Overseas Workers Welfare Administration in Hong Kong.

WelOf Marilou M. Sumalinog replaces Virsie B. Tamayao, who was recalled to the Home Office on December 31 last year, and is now Director of OWWA Region 2.

She will serve alongside fellow WelOf Dina Daquigan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Consul General Raly Tejada led the group of officers who welcomed Sumalinog to Hong Kong, and said he “wished her success as she takes on the challenge of protecting the rights and promoting the welfare of more than 230,000 𝐾𝑎b𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑠 in Hong Kong.”

He was accompanied in welcoming Sumalinog by Labor Attache Mel Dizon, who as head of the Migrant Workers Office in Hong Kong, serves under the Consulate under the One Country Team Approach.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Overseas Filipino workers with welfare concerns may visit either of the two welfare officers at the MWO office on the 29th floor of United Centre Building in Admiralty, or call their hotline, 6345 9324.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Warrant of arrest issued vs 72-year-old Filipino resident

Posted on No comments

 

Alejo (with white hair)leaving court after an earlier hearing of his case (File)

A warrant of arrest was issued Monday against an elderly Filipino businessman who failed to appear in Eastern Court for his sentencing on two charges of theft involving about 200 pieces of jewelry some seven years ago.

Celso E. Alejo, Jr., 72, was also absent from court on his original sentencing date of August 17 this year, but the prosecutor said at the time that he was in hospital.

Apart from the arrest warrant, the court also ordered Alejo’s cash bail of $40,000 cancelled.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The charge sheet against Alejo gives details of the two thefts that he committed between 2016 and 2017, but made no mention of the amount involved.

In the first charge for which he was convicted, the theft involved a number of gold items, all belonging to M.K. Seen kay Kay and Mak Seen Wah, Sylvia, sometime in late 2016 until October 2017, at room B, 9/F, On Hing Building in Central.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Alejo’s LinkedIn profile shows he holds office there as the managing director of PTC Systems.

These were itemized as: 82 gold pendants, 75 gold coins, 16 gold bracelets, 8 gold rings, 7 gold disks, 6 gold ingots, 5 gold bangles, 5 gold figurines, 4 gold peaches, 3 gold ring bands, 2 gold peanuts, 2 gold balls, 2 gold chains, 1 gold Chinese zodiac wheel, 1 wedge shape gold piece, 1 gold earring, 1 gold clip, 1 gold frame, 1 gold bar and 1 platinum ring.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

In the second charge for which he was also found guilty, he is accused of stealing a diamond necklace belonging to the same victims on Jan 17, 2017, from the Tak Wing Pawnshop on Des Voeux Road, Central.

No other details of the alleged offences were disclosed, but court records show an earlier civil case between the accused and Sylvia Mak was litigated in 2018, which appeared to have arisen from a commercial dispute.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Alejo was arrested and investigated on the two theft charges only last March 9. The hearing of his case was postponed at one point because his defense lawyer indicated his withdrawal from the case.

He was found guilty of the two offences by Eastern Principal Magistrate Ivy Chui on August 3 this year, and ordered his sentencing delayed until August 17.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Pangalawang kaso ng drug trafficking, isinampa laban sa Pilipina

Posted on No comments

Noong Marso lang ay ikinulong ang Pilipina dahil sa pangangalakal ng marijuana. 

Isang Pilipina at isang Pakistani na kasama niyang inaresto sa loob ng isang hotel room nang i-raid ito ng mga pulis noong Abril, ang binasahan kahapon (Sept. 18) ng kasong pangangalakal ng droga  sa Kowloon City Court.

Si Rhea Nerissa Maristela, 27 taong gulang at isang waitress, ay sinampahan ng dagdag na kasong paglabag sa Public Order Ordinance  dahil hindi agad nakapagpakita ng Hong Kong ID card nang hingin ito ng pulis na umaaresto sa kanya at sa kasama niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Si Maristela na inutusang makulong ng 10  linggo noon lang Marso dahil din sa kasong drug trafficking, ay nahuli  kasama ang Pakistani na si Rizwan Muhammad, 35, sa isang silid sa Toronto Holidays Guest House sa 15 Jordan Road, Yau Ma Tei noong April 27.

Kinasuhan sila ng pangangalakal ng droga, pero hindi sinabi kung gaano kadami ang drogang nasamsam sa kanila.


PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pareho silang ibinalik sa kulungan matapos sabihin ng taga-usig na kailangan nito ng dagdag na panahon upang mabuo ang kaso laban sa kanila.

Itinakda ni Principal Magistrate Don So ang susunod na pagdinig sa Nov. 13.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa nauna niyang kaso na drug trafficking, nasentensyahan si Maristela matapos mahulihan ng 243.43 gramo ng marijuana sa Nathan Road sa Tsim Sha Tsui noong Oct. 13, 2022.

Nauna rito ay nasentensyahan naman siya ng dalawang taong pagkakakulong, kasama ang isa pa, dahil sa paggamit ng tatlong pekeng $500 para bumili ng pagkain at iba’t ibang bagay, at pagbulsa ng sukli.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang hatol na ibinaba ni District Court Judge Amanda Woodcock noong Oktubre 2021 ay inapela nila, pero pinagtibay ng Court of Appeal noong Marso ng nakaraang taon.

 

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss