Ang abiso ng Konsulado tungkol sa pagbabalik sa normal ng mga patakaran para sa mga FDH |
Nagpalabas ng paalala ang Konsulado na ang dating anim na buwang palugit o extension na binibigay sa mga kontratang magtatapos na, ayon sa dating pinahigpit na patakaran dahil sa pandemya, ay hindi na igagawad simula sa Mayo 1.
Ibig sabihin nito, kailangang pumirma na ng bagong
kontrata ang employer at ang foreign domestic helper o putulin na ang kanilang
ugnayan pagkatapos ng petsang ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Katulad ng dati, maari silang humiling na i-extend ang
kanilang kontrata pero hindi na maaring lumampas pa ito ng isang buwan.
Pero kung ang kontrata ay magtatapos sa Abril 30 o mas
maaga ay maaari pa ring hilingin ang dating binibigay na anim na buwang
extension.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ito ay alinsunod sa pagluluwag ng halos lahat ng mga
patakaran kontra pandemya sa Hong Kong, na nangahulugan na hindi na mahirap
pang makauwi ang isang FDH pagkatapos ng kanyang kontrata, at hindi na rin
mahihirapang pumunta dito ang mga nasa kani-kanilang bansa pa pero nabigyan na
ng visa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa mga nabigyan naman ng permiso na hindi muna uuwi sa
loob ng isang taon matapos ang kanilang kontrata, maari silang humingi muli ng
extension kung ang huling araw ng kanilang visa ay tatapat sa April 30 o mas
maaga pa.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pero kung ang extension na binigay sa kanila noon ay
matatapos sa May 1 o lampas sa petsang ito, kailangan na nilang umuwi o
mag-exit sa loob ng itinakdang panahon dahil hindi na sila muling bibigyan ng
palugit para makapanatili sa Hong Kong.
Dagdag pa ng Konsulado sa kanilang pahayag, alinsunod
sa patakaran ng Hong Kong, ang mga FDH na magtatapos ng kanilang kontrata ay
kailangang umuwi muna sa kanilang bansa bago mag-umpisang magtrabaho sa ilalim ng
bagong kontrata.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga na-terminate naman ay kailangang umuwi sa loob
ng 14 araw pagkatapos putulin (nila o ng kanilang employer) ang kanilang
kontrata.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |