Hinatulan sa Shatin court ng 15 buwang pagkabilanggo ang Pilipina |
Isang Pilipina ang nakulong ng 15 buwan ngayon matapos umamin sa Shatin Magistracy na ilegal siyang nagtrabaho sa isang kainan sa Wanchai matapos siyang ma-overstay.
Nadagdagan ng anim na araw ang pagkabilanggo ni Mary Ann Silva,
44 taong gulang, dahil umamin din siya sa kasong breach of condition of stay, o
paglabag sa kondisyon ng kanyang pagtira sa Hong Kong,
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang mahuli kasi siya noong Dec. 1, 2022, ay halos dalawang
buwan na siyang overstay. Nakauwi na dapat siya dalawang linggo matapos siyang
ma-terminate bilang domestic helper noong Sept. 30, 2022, ayon sa Immigration
Ordinance.
Pero inutos ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi na sabay na paglingkuran ni Silva ang dalawang sentensiya kaya 15 buwan pa rin ang kanyang ilalagi sa kulungan.
Ang sentensya kay Silva para sa illegal na pagtatrabaho ay di hamak na magaan kung ibabase sa Immigration Ordinance na nagtatakda ng multang $50,000 at pagkabilanggo nang hindi lalampas sa tatlong taon sa mga kaparehong kaso.
Samantala, nakaiwas sa kulong si
Arlene Jorial, 51 taong gulang na domestic helper, kahit umamin siya na may dalawa
at magkaibang pangalan siyang inirehistro sa Immigration Department.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nabisto siya nang kumuha ng bagong Hong Kong ID noong Aug.
1, 2022. Dahil sa fingerprint ay nalaman na rehistrado rin siya bilang Ma.
Carlota Sagarino.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pinatawan siya ni Magistrate Cheng ng dalawang linggong
pagkabilanggo, na suspendido ng dalawang taon. Nangangahulugan ito na hindi siya
makukulong kung hindi siya lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinatawan din siya ng multang $1,000.
Nauna rito, iniurong ng tagausig ang isa pang kaso laban kay Jorial, ang pagsisinungaling sa isang Immigration Officer. Sa isang panayam noong July 23, 2022 itinanggi ni Jorial ang pagpapalit niya ng angalan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |