Ng The SUN
Ang mga nasabat na produkto mula sa mga PAL crew na galing Dubai at Riyadh (BOC photos) |
Sampung tauhan ng Philippine Airlines ang iniimbestigahan matapos makitaan ng halos 40 kilo ng sibuyas, lemon at berries sa kanilang maleta pagdating sa Ninoy Aquino International Airport sa Maynila nitong Biyernes, Jan. 13.
Ang ilan sa crew ay dumating sakay ng PR655 mula sa Riyadh, Saudi Arabia at nakitaan ng 11.5 kilo ng sibuyas at anim na kilo ng lemon na nagkakahalaga ng US$100.
Ang iba naman ay sakay ng PR659 mula Dubai, United Arab Emirates, at may dala ng 15.5 kilo ng sibuyas, 4.5 kilo ng lemon at isang kilo ng strawberries at blueberries na ang kabuuang halaga ay tinatayang US$150.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kinumpiska
ang kanilang mga dala ng Bureau of Customs sa NAIA bago ipinasa sa Bureau of
Quarantine para sirain.
Ayon pa sa mga naunang balita, malamang na kasuhan daw ang crew ng “attempted smuggling” o tangkang pagpasok ng mga pinagbabawal na produkto sa bansa, bagay na pinabulaanan naman agad ng isang tagapagsalita ng BOC.
“Hindi naman po sila inaresto at wala naman po sa batas na dapat ikulong o i-aresto po sila (They were not arrested and there is nothing in the law that states they should be jailed or arrested),” sabi ni Arnaldo dela Torre Jr., tagapagsalita ng BOC, sa isang mensahe sa Philippine Star.
|
Dagdag ni Dela Torre, ang tanging aksyon na ginawa sa kaso nila ay ang pagkumpiska sa mga dala nilang sibuyas at iba pang produkto at ang pagpasa ng mga ito sa Bureau of Quarantine.
Hindi naman daw sila maaring kasuhan ng smuggling na katulad ng naunang napabalita. Ayon sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, tanging “large scale” o malakihang smuggling lang ng mga produktong pag agrikultura ang pinaparusahan.
Nguni’t hindi lang naman sa ilalim ng batas na ito maaring parusahan ang sinumang magpapasok sa bansa ng mga halaman, gulay o prutas ng walang pahintulot sa awtoridad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa customs declaration form na kailangang sagutan ng lahat ng mga pumapasok ng bansa, maaring pagmultahin ang sinumang mahuli na hindi nagdeklara ng mga dala nilang mga bagay o produkto na nasa listahan.
Mismong ang PAL ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente, ayon sa kanilang tagapagsalita na si Cielo Villaluna.
“Hindi kinukunsinti ng PAL ang anumang paglabag sa mga patakaran ng customs,” ayon kay Villaluna. “Magpapataw kami ng karampatang parusa base sa resulta ng aming imbestigasyon.”
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dagdag ni Villaluna, nakikipagtulungan sila sa customs sa pag-iimbestiga ng kaso, at pinaalalahanan na din nila ang kanilang mga tauhan na sundan lagi ang mga patakaran ng ahensya.
Ayon naman sa isang memorandum ng BOC, ang PAL crew ay lumabag sa Plant Quarantine Law (1978) dahil sa kawalan ng patunay na ligtas ang mga halaman sa anumang sakit, Presidential Decree 1433 dahil walang kinuhang pahintulot sa BOQ, at Sec 1404 ng Customs Modernization and Traffic Act dahil sa hindi pagdeklara ng mga produkto.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Base sa paunang imbestigasyon ng BOC at NAIA, nakita ang mga produkto sa bagahe ng crew nang inspeksyunin ang mga ito pagdating nila sa Maynila. Hindi nila dineklara ang mga dala sa ipinasa nilang customs declaration form.