Ng The SUN
Ito yung bag ni Irene na nawala sa toilet sa mall |
Mahigpit ang pakiusap ni Irene ng Ma On Shan sa kung sino man ang nakapulot o nakakuha ng kanyang bag na may lamang $3,500 na cash, alahas na $5,000 ang halaga, HKID card, passport, Octopus at Visa card, na kung maari sana ay ibalik ito sa kanya.
Ayon kay Irene, naiwan niya ang orange handbag niya na may mahabang strap sa loob ng toilet sa Kam Tai Shopping Centre sa Ma On Shan noong Linggo, Jul 24, bandang 4pm.
Nakaugalian na daw niya na ilagay doon ang kanyang mga mahahalagang gamit at wala naman daw siyang naging problema dahil dito, kundi ngayon lang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
"Bilang isang single mother at breadwinner sa aming pamiilya, lahat ng laman ng bag ko ay mahalaga, hanggang sa pinakamaliit na bagay na nandoon, sabi ni Irene sa isang mensahe sa Facebook.
Yung HKID nya at passport ang isa sa nagbibigay ng sakit-ulo sa kanya ngayon dahil napakahirap kumuha ng kapalit ng mga ito, pero mahalaga din daw sa kanya ang tatlong pirasong alahas na natangay dahil pinaghirapan daw niyang kitain ang pinambili niya dito.
Nakabilog ang patungan kung saan naiwan ni Irene ang bag niya |
Nawaglit daw sa isip niya ang bag dahil marami siyang dala noon, kabilang ang isang maleta na pinaglagyan niya ng mga gamit ng kinuha mula sa bahay ng dati niyang employer.
“Tatlo po kasi ang dala kong bag. Ang dalawa ay market bag na sinabit ko sa pintuan. Yung sling bag naman ay pinatong ko sa may banda sa likuran, at yung luggage naman ay nasa labas ng pintuan ng toilet,” sabi ni Irene.
Sa kasamaang palad, yung hand/sling bag niya na naglalaman ng mga mahahalagang gamit ang naiwan niya.
“Hindi ko po napansin kasi nag-aapura akong lumabas dahil iniwan ko sa labas ang luggage ko,” ang sabi niya.
Umabot ng mahigit isang oras bago niya napansin na nawawala na ang kanyang bagat malapit na siya sa tirahan ng amo bago niya naalala na naiwan niya ang kanyang bag. Tumakbo daw siya agad para kunin ang bag pero wala na ito doon, at wala ding nag-iwan sa receptionist ng mall.
Press for details |
Ni report din daw niya sa pulis ang nangyari at tiningnan naman daw ng mga ito ang CCTV na ang isang camera ay nakatutok sa mismong labasan ng toilet, pero wala silang nakitang kakaiba.
“Chineck po nila kaya lang black ang screen, walang makita,” sabi pa ni Irene.
Madilim daw ang kuha ng CCTV sa tabi ng pintuan ng toilet |
Aminado si Irene na malamang na pinag-interesan na ang kanyang bag, at kung hindi isang kapwa Pilipina ang nakakita doon ay lalong hindi na niya mababawi.
Pero desperado daw siyang makuha ulit iyon, dahil malaking pagod at hirap ang gugugulin niya niya para ra makakuha ng kapalit
PRESS FOR MORE DETAILS |
Naisipan niyang hingan ng tulong ang The SUN na mai-publish ang apela niya dahil nung mag post daw siya sa isang Facebook group e panay panghuhusga daw ang inabot niya. Nandyan yung sinisisi siya dahil hinayaan daw niyang mawaglit ang pitaka niya, o inakusahan pa siyang pabaya dahil sa nangyari.
Sino man ang magmagandang loob na ibalik ang bag o magbigay ng impormasyon tungkol dito ay maaring tawagan si Irene sa tel no 6429 9719.
PADALA NA! |
CALL US! |