Tuwing umuuwi sa
Pilipinas upang magbakasyon si Ma. Teresa Abella ay super higpit ng yakap at
halik ang gawa ng asawa sa kaniya. Ngunit kalaunan ay ramdam niyang may
pagbabago dahil tuwing tatawag siya sa pamamagitan ng messenger ay matagal
sumagot ang asawa. Minsan maghapon niya itong hindi makontak. Naging palaisipan
ito at naibahagi niya sa kaibigan ang suliranin. Pinayuhan siyang bumili ng
Dream Love 1000 na pabango parati nitong nababasa na epektibo ito.
Sumunod na sahod ay nagkita sila ng kaibigan at nagtungo sa
Worldwide plaza upang bumili ng Dream Love 1000 na gawa sa England. Pagkabili
nito sa halagang HK$88 lamang ay nasambit niyang affordable ang presyo.
Binuksan ang kahon at nagwisik nito ayon sa instruction sheet. Naibigan niya
ang halimuyak nito.
Naglakad-lakad sila patungo sa Pier 5 upang magtambay doon.
Habang naglalakad ay hindi napansin na nahulog ang kaniyang shawl at may
guwapong Briton ang lumapit at nag-abot sa kaniya. Nagpasalamat siya at
napansin na ang kamay pala nito ay nakahawak pa sa kaniyang kamay, nabigla ito
sabay hingi ng paumanhin. Napaalam na ito at siniko siya ng kaibigan sabay sabi
na naakit ito sa gamit niyang perfume/ Napangiti siya at sinabing gagamitin ito
sa asawa.
Nagplano siyang magbakasyon at nagpaalam sa amo, pumayag
sila at sa araw ng kaniyang pagalis ay ginamit ang pabango. Paglabas ng bahay
ay nakasalubong niya ang guwardiya na suplado. Pagkalampas nito sa kaniya ay
bigla itong bumalik at tinulungan siya na magdala ng maleta niya patungo sa
elevator. Nagpasalamat siya at inabot nito ang kamay sabay ngiti.
Dumating na siya sa Pinas at paglabas ng airport nakita ang asawang naghihintay at pagkalapit niya ay nagulat nang bigla siya nitong halikan ng marubdob na tila hindi sila nagkita na higit sampung taon. Nasambit sa sarili na very effective ang pabango kahit nang makarating sa bahay ay panay pa din ang lambing ng asawa at ang buong magdamag naging kapana-panabik sa kanilang dalawa. Naging colorful ang kaniyang bakasyon at kahit sa ngayon ay panay ang sambit nito na namimiss siya.