Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

T-back Queen, pinagsabihan ng Konsulado

19 November 2023

Matagal nang nagbabala ang Konsulado tungkol sa pagpapakalat ng malalaswang litrato o video

Tinawagan at pinagsabihan na ng Konsulado ang Pilipinang domestic helper na nakilala sa bansag nitong “T-Back Queen” dahil sa pagkalat ng kanyang sex video at mga seksing litrato na kinuha habang naglalakad siya sa mga mataong lugar katulad ng Chater Road at WorldWide Plaza.

Sa isang maiksing pahayag,  sinabi ni Konsul Heneral Raly Tejada na nakausap na ng assistance to nationals section ng Konsulado ang Pilipina na ang tunay na  pangalan ay Cherry at sinabihan na itigil na ang pagpapakalat niya ng litrato na nakakabahala sa mga tao sa komunidad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinangaralan din siya dahil sa pagkalat ng kanyang sex video kasama ang isang lalaking Intsik.

“She apologized for the sex video stating that its private material.  She also explained that it was leaked by a hacker. Nonetheless ATN reminded her these actions have caused shame and disgust to many members of the Filipino community,” wika ni Congen Tejada.

(Nanghingi siya ng paumanhin dahil sa sex video at sinabing pribado niya itong pag-aari. Pinaliwanag niya na ikinalat ito ng mga hacker. Gayunpaman, pinaalala sa kanya ng ATN na ang mga ginawa niyang ito ay nagdulot ng kahihiyan at pandidiri sa maraming Pilipino sa Hong Kong).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noon pa mang Hunyo ng nakaraang taon ay naglabas na ng babala ang Konsulado tungkol sa paglalathala ng mga malalaswang litrato o video sa social media. Sa ilalim ng “Control of Obscene and Indecent Articles Ordinance of Hong Kong” ang ganitong gawain ay isang krimen na maaring parusahan ng hanggang $1 million na multa at pagkakakulong ng hanggang tatlong taon.

Maari ding ituring ito na paglabag sa section 101 ng Criminal Procedure Ordinance ng Hong Kong ana pinagbabawal ang paggawa ng anumang bagay na nakakabahala sa moralidad ng publiko (“outraging public decency”) at magbigay ng masamang ehemplo sa iba.

PINDUTIN DITO!

Ang parusa sa ganitong paglabag ay pagkakakulong ng hanggang pitong taon. 

Ito marahil ang dahilan kung bakit naglabas na rin ng sarili niyang video si Cherry para humingi ng paumanhin sa publiko tungkol  sa pagkalat ng kanyang sex video. Bagamat inilagay niya daw ito sa  kanyang TikTok account ay naka pribado daw ang setting nito. Hindi daw niya alam kung paano na hack ang account niya at nakuha ang video na ikinalat agad sa komunidad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakiusap siya sa lahat na itigil na ang pagpasa sa video dahil hindi naman daw niya intensyon na ipakalat ito. 

Kasabay nito ay nag deactivate siya ng kanyang account sa Facebook sa ilalim ng pangalang “T-back Queen” kung saan ay marami siya dating na ipost na mga litrato na nagpapakita sa kanya na pawang seksi ang suot, at naglalakad o nagsasayaw na parang nanghihikayat.

BASAHIN ANG DETALYE

Pero ang karamihan sa mga mapahangas niyang litrato o video ay kuha ng ibang tao, lalo na ng isang kaibigan niya na tumayo dati bilang personal niyang litratista at tagapagtanggol na Abby Sugar ang pangalan sa Facebook. Sa ilalim ng batas, pati sila ay damay kung sila ang nag post ng mga litrato o video na maituturing na malaswa.

Agad ding tinanggal ni Abby Sugar ang mga kuha niya kay Cherry, at sa ilang post ay nagpahiwatig na dumidistansya na siya dito. Nagpakita din ito ng litrato ng  kanyang passport at ticket, at sinabing umuwi muna siya sa Pilipinas dahil sa pagkadawit sa eskandalo.

Si Abby Sugar ang kumuha ng mga litrato ni Cherry na walang takot na sumampa sa ilang mga sasakyang nakaparada sa Chater Road dahil sa isang car show noong Nov. 7, at nag sexy pose suot ang isang maong shorts na butas ang magkabilang gilid, at may ternong bra na pang-itaas.

Bago ito ay kinuhanan din niya si Cherry habang nakasakay sa MTR at ibinabalandra ang katawan. Pagkagaling sa Chater Road ay naglakad pa ito papunta sa mataong pasilyo ng World-Wide Plaza, na  hindi alintana ang pagkadismaya ng maraming tao sa paligid.

Maraming iba pang litrato ang lumutang na nagpapakita sa 41 taong gulang na Pilipina na ipinagpaparangalan ang katawan, mula sa pag-iinda indayog sa tabi ng dagat, pagsakay sa bus, hanggang sa paglalakad sa mga matataong lugar na kakaunti ang saplot.

Hindi lang sa Hong Kong itinuturing na krimen o paglabag sa patakaran ang mga ganitong gawain, kundi sa Pilipinas din. Kung ang lumabag sa batas ay isang overseas Filipino worker, maari pa itong magsanhi ng pagbabawal sa kanya na mangibang bayan o mag proseso ng panibagong kontrata dahil ito ay kontra sa “Code of Discipline for Overseas Workers.
Don't Miss