Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ligtas-kulong matapos makasuhan dahil sa manok na di binayaran

01 November 2023

 

Ang tindahan na pinangyarihan ng kaso

Nakaiwas sa parusa ang isang Pilipina nang iurong ang kasong pagnanakaw laban sa kanya, at sa halip ay isinailalim siya sa bind-over o pangako na hindi siya lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon.

Kapag nilabag niya ang pangako ay saka lang mapaparusahan si L. Laraga, 36 taong gulang na domestic helper, ng multang $2,000. 

Magkaka record din siya at malamang na hindi na payagang magtrabahong muli sa Hong Kong.

PINDUTIN DITO!

Maluha-luhang nakinig si Laraga sa hatol ni Magistrate Minie Wat sa Eastern Court kanina, na nag-uutos din na magbayad siya ng $500 upang sagutin ang gastos ng korte sa kaso.

Hindi niya nabawi ang kanyang piyansang $500 dahil ito ang nagsilbing bayad sa korte.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang isampa ng pulis ang kaso sa kanya noong Agosto at dininig noong Oct. 5, inakusahan si Laraga ng pagnanakaw sa Kai Bo Supermarket sa Sai Ying Pun noong July 28 ng isang manok, isang bote ng oyster sauce, isang pakete ng karne ng baka, at isang pakete ng karne ng baboy, na nagkakahalaga ng kabuuang $250.50.

Pero nang binasa sa kanya ang kaso kanina, lumabas na ang manok lang ang hindi niya nabayaran.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa sakdal, isinilid niya ang manok sa dala niyang eco bag habang siya ay namimili sa tindahan, at nakita ito sa CCTV ng isang kawani.

Sa cashier, nagbayad siya sa mga pinamili, pero marahil ay nalimutan niya ang manok sa kanyang eco bag kaya hindi niya ito nailabas at nabayaran.

Pagkalabas ng tindahan ay hinarang siya ng kawani at tumawag ng pulis, na umaresto sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
Don't Miss