Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Feature: Waging muli ang kapitanang dating OFW sa HK

05 November 2023

 


The SUN

Umaga pa lang noong Oct. 31 ay humahangos na paalis ng bahay si Janice Morales de Pablo dahil sa tawag na may nag-aaway sa karatig na sitio. Maghapon siyang natali siya sa pag-ayos sa gulo at pag-tulong sa pulis na nag-imbestiga.

Dahil dito, imbes na magbunyi dahil sa muling pagkahalal bilang kapitana sa barangay election na isinagawa noong nakaraang araw ay sumabak agad sa trabaho si Janice.  Pwede naman daw kasing maghintay ang selebrasyon.

Kinabukasan na siya nakapaglabas ng pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanyang kampanya at sa mga botante ng Brgy. Batuan sa Balasan, Iloilo.

“Batuanon, kayo ang nanalo,” ika ng ang dating OFW sa Hong Kong sa kanyang Facebook page sa salitang Hiligaynon. “Dadagdagan at ipagpapatuloy ko ang aking magandang nagawa para sa ikauunlad at katagumpayan ng lahat.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dagdag niya: “Maraming salamat sa taos-pusong pagsuporta at pagmamahal sa aking pamilya at grupo.”

Sa kanyang tiket, apat ang nanalo. May panglima sana, pero natalo ito sa toss-coin matapos mag-tabla ang boto niya sa kalaban. Dalawa ang natalo. Ang kanyang pamangkin ay nahalal naman bilang chairman ng Sanguniang Kabataan.

Isa lamang ito sa mga tagumpay ni Janice simula nang umalis siya sa Hong Kong noong 2013 para magsimula ng pamilya pagkatapos ng anim na taong pagtatrabaho bilang domestic helper.  Nakakatatlong taon na rin kasi silang kasal noon ng kanyang asawang si Rex, at gusto na niyang mag-alaga ng sarili niyang anak.

PINDUTIN DITO!

Tutal, ika niya, nakapag-ipon na siya ng pangtayo ng isang maliit na negosyo. Nakapag-tapos din siya sa Ateneo Leadership and Social Entrepreneurship (LSE) program, isang proyekto ng Ateneo de Manila University upang turuan at hikayatin ang mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo na magnegosyo pagbalik nila sa Pilipinas.

Si Janice at kanyang pamilya.

Ang pinanghawakan niya ay isang feasibility study na ginawa niya sa tulong ng kanyang LSE mentor na si Leo A. Deocadiz, publisher ng The SUN. Pinag-aralan niya ang pagtatayo ng isang t-shirt printing shop, upang magamit ang nalalaman ng asawa niya, na isang graphic artist sa isang pahayagan sa Iloilo.

“Nagsimula lahat sa 21 designs. Dahil sa tulong ng aming pamilya, unti-unting lumaki.  Nagdagdag sila ng pera,” ika niya. Mula t-shirt, nailapat ni Rex ang kanyang alam sa disenyo sa iba’t ibang bagay, gaya ng sign printing sa trapal na naging mabili noong eleksyon, paglagay ng karatula sa mga tindahan, pagdikit ng logo sa mga sasakyang pangnegosyo at maraming iba pa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sumunod nilang itinayo ang Dylar na tindahan ng office supply at ang Aqualad water refilling station.

Hindi lang sila nakapagtayo ng kabuhayan, nakapagbigay pa sila ng trabaho sa 11 nilang kabarangay, maliban sa mga kamag-anak na sumosyo.

Mabili ang mga karatula ng 21Designs para sa kandidato, 

Kaya kung kita ang habol ng mag-asawang de Pablo, maliit ang 1,000 pesos na buwanang bayad sa barangay captain.

Ang pagbabago ng buhay ni Janice mula home servant sa Hong Kong na naging public servant ay nagsimula noong ituro siya ng ama niyang si Dedimo bilang kapalit nito matapos ang kabuuang anim na termino bilang puno ng kanilang barangay.

Madali sa kanya ang pagtanggap sa bagong responsibilidad, dahil maliit pa siya ay hinubog na siya ng ama. “Akay-akay po ako lagi ng tatay ko saan man siya mapunta. Siguro nasanay na at nahubog sa pangaral lagi ng aking tatay,” paliwanag niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Sa limang taon niyang paninilbihan bilang kapitana, naging mahaba ang listahan ng kanyang mga proyekto, na nagbigay sa Batuan ng iba’t ibang parangal, gaya ng Galing Pook Award na iginawad ng Provincial Liga ng mga Barangay. Ilan sa mga ito:

·        Streetlights project mula Purok 1 hanggang Purok 3: Nailawan ang 310 kabahayan.

·        Paghukay ng culvert sa Purok 1: Ang dalawang lugar na pondohan ng tubig ay hindi na bumabaha.

·        Sementadong kanal sa Purok 1 at 2 na may habang 45 meters at 110 meters  .

·        Pagsaayos ng irrigation system na dumidilig sa mahigit 100 hectare na palayan, na sinusuportahan ng Balasan LGU, Regional Kagawaran ng Agrikultura , Provincial Agriculture Office at Municipal Agriculture Office.

·        Pagpapaayos ng  barangay hall, na nabilhan ng dalawang air con, dalawang computer at printer, medical equipment at first aid kit, monoblock na upuan at  maraming pang iba na bigay ni  Iloilo Gov. Toto  Arthur Defensor Jr. at iba pang opisyal sa kapitolyo.

·        100 meters na concrete road na pinondohan ng DSWD, ni Mayor Filomeno Ganzon at Vice Mayor Toto Manuel Ganzon, at kinuhang trabahador ang mga naninirahan sa barangay.

·        Repainting ng buong plaza.

·        Communal Garden, kung saan ang inaaning gulay ay para sa mga batang mababa ang timbang.

·        Pagbibigay ng libreng gamit eskwelahan.

Malaki ang tulong ng komumidad sa Communal Garden.

Pero ang pagiging OFW niya sa Hong Kong ay nakatatak pa rin sa kanya, kahit 10 taon na siyang umuwi at nagkaanak na ng dalawa. Ka-chat pa rin niya ang panganay na alagang iniwan niya nang ito ay 12 taong gulang. Ito ay doktor na at iniimbita siya sa kasal nito. Ang ikalawa na mas bata ng limang taon, ay nasa college pa.

At ang payo niya sa mga OFW na nasa Hong Kong pa rin: “Huwag tayong mawalan ng pag asa. Mangarap tayo na makauwi at magtabi ng kita para makauwi sa ating pamilya, dahil ang tunay na kasiyahan ng ating puso at isipan ay makasama ang ating buong pamilya sa hirap man o ginhawa.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss