Liza Ramirez |
Sa mga panahon ng kalungkutan lalo na at nasa ibang bansa ay maaari ding lumigaya tulad ng pagkakaroon ng mga mababait na kaibigan na kasamang gumagala o nagpupunta sa mga shopping mall. Almost 3 years nang nagtatrabaho dito si Liza Ramirez. Halos work na lang umiikot ang kaniyang mundo dahil may mga pamangkin siyang pinagaaral sa Pilipinas.
Nitong nakaraang buwan ay nakasabay niya sa bus ang Pinay na kalaunan ay naging kaibigan. Nagkakuwentuhan sila at nasabi pa na napakaboring ng buhay dito dahil puro work ang gawa. Minsan, nagyaya ito na magdinner sila sa isang bar restaurant na laging dinadayo ng mga Amerikano. Nabigla siya ng wisikan nito ng pabango ang damit at sa malapit ng tainga. Nagpasalamat at naibigan niya ang halimuyak ng pabango na sinabi nitong Dream Love 1000 seksuwal perfume na gawa sa England. Binibili ito ng kaibigan sa halagang HK$88 lamang mula sa Fiesta Mart at napatunayang epektibong makaakit ng kalalakihan. Nabanggit pa nito na laging mapusok ang nobyo tuwing gamit ito.
Habang kumakain sa bar, napansin niyang panay ang ngiti ng isang American-Chinese na lalaki nakaupo malapit sa table nila. Naalala niyang kanina ay nasanggi ito at humingi siya ng paumanhin. Hinawakan pa nito ang kaniyang kamay at sinabing it’s ok.