|
Hinatulan sa Shatin Court ang Pinay na 7 taon nang overstay |
Dalawampung linggong kulong ang naging katapat ng pitong
taong pag-overstay ng isang Pilipinang dumating sa Hong Kong bilang turista.
Umamin si Ma. Lessie Flores, 39 taong gulang, sa kasong “Breach
of Condition of Stay” nang humarap siya kanina kay Magistrate David Chum sa
Shatin Court.
Ayon sa kasong isinampa ng Immigration Department, dumating
si Flores noong 2016 at binigyan siya ng permisong manatili sa Hong Kong
hanggang July 6, 2016.
Pero hindi siya umalis sa Hong Kong sa takdang araw hanggang
maaresto siya noong nakaraang Jan. 17. Pagkatapos niyang mahuli ay saka siya nag file ng non-refoulement o petisyon para hindi siya mapauwi.
Ayon sa Section 41 ng Immigration Ordinance, ang
pag-overstay ay may parusang aabot sa dalawang taong pagkakakulong at multang aabot
sa $50,000.
Ang unang parusang iginawad ni Magistrate Chum ay 30
linggoing pagkabilanggo.Pero dahil sa kanyang guilty plea, binawasan ito ng
1/3.