Dalawang Pilipinang domestic helper ang tumangging may kinalaman sila sa isang kaso ng money laundering kung saan ang kanilang bank account ay nagamit na pondohan ng perang galing sa krimen para ma-withdraw bilang malinis na salapi.
Parehong sumagot ng “Not Guilty” sina Leonida Manlunas, 40 taong
gulang, at si Nora Reymundo, 47, nang tanungin sila sa Eastern Court kahapon
(Nov. 1) kung inaamin nila ang mga paratang na binasa sa kanila at isinalin sa
salitang Pilipino.
PINDUTIN DITO! |
Kinasuhan si Manlunas dahil may nag-deposit at withdraw sa
kanyang HSBC bank account ng kabuuang $387,600 mula Dec. 19, 2020 hanggang Jan.
8, 2021.
Ang pumasok at lumabas na pera sa HSBC account naman ni
Reymundo mula Feb. 10 hanggang March 4, 2021 ay $903,600.
Ang kanilang kaso ay tinaguriang “dealing with property
known or believed to represent proceeds of indictable offence”, na mas kilala sa tawag na money laundering, at isang paglabag sa
Organized and Serious Crimes Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil sa pagtanggi ng dalawa, ipinahayag ng tagausig na
maghaharap sila ng tatlong testigo at ang magkahiwalay na VRI (video recorded
interview) ng dalawa nang sila ay iniimbestigahan ng pulis.
Ang mga abogado naman ng dalawa ay humiling na ipagpaliban ang kaso upang maisalin
sa Inggles ang transcript ng VRI, na ginawa sa Tagalog.
Sa huli ay nagkasundo ang dalawang panig sa petsa ng susunod
na pagdinig, na itinakda ni Magistrate Minnie Wat sa Jan. 3 upang repasuhin ang
paghahanda sa paglilitis.
BASAHIN ANG DETALYE |
Idinagdag ni Magistrate Wat na dapat ay naipasa na nila ang kani-kanilang
ebidensiya dalawang araw bago ang pagdinig.
Ang dalawang Pilipina ay pinawalan sa piyansang tig-$5,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |