Milyon daw ang natangay ng nagtatag ng paluwagang ito sa HK |
Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa iba't iba't ibang sangay ng gobyerno na paigtingin ang kampanya laban sa mga scammer sa internet na ang mga overseas Filipino workers (OFW) ang tina target, partikular na ang online paluwagan.
Sa isang pagpupulong sa Senado na pinangunahan ng Committee
on Migrant Workers na pinamumunuan ni Tulfo, hinimok ng senador ang Department
of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Department of
Information and Communications Technology, Manila International Airport
Authority at National Bureau of Investigation na magsagawa ng plano para
matigil ang mga online scammer na ito.
Ito ay matapos ilahad ng isang OFW at IT expert na
si Romel Malapira ang pagkalat ng mga sinasabing “online paluwagan” na
ibinebenta sa mga OFW bilang isang paraan ng pagnenegosyo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Kapag hindi nakabayad ang isang member, lahat ng
kasali ay hindi nakakasweldo. At kahit magbayad din, wala pa din ibibigay na
pera, kadalasan kasi mga kamag-anak, kaibigan din ang nagre-recruit,” sabi ni
Malapira.
Ang online paluwagan ay katulad din ng regular na
paluwagan, kung saan ang mga miyembro ay naghuhulog ng pera buwan-buwan para
makaipon ng malaking halaga na siyang pinapasweldo sa miyembrong nakatoka sa
bawat buwan.
Nagkaka problema lang madalas sa ganitong usapan
dahil yung mga nauna nang nakasweldo ay tumitigil na sa pagbabayad, o bigla na
lang nawawala.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ganito ang nangyari kamakailan sa Hong Kong, kung
saan ang itinurong pasimuno ng isang paluwagan ay bigla na lang daw hindi
nagparamdam matapos diumanong makuha ang milyon-milyong halaga ng hulog o investment ng
mga kapwa OFW na nakumbinsi niyang sumali.
Si Mera Jane Vicio (o MJ) na taga Kidapawan City ay
inireklamo sa Konsulado nitong nakalipas na Abril ng isang grupo ng mga kapwa
niya OFW dahil sa hindi pagpapsweldo sa kanila pagkatapos nilang makapaghulog
ng malaki sa kanyang paluwagan.
Itinakda daw kasi ni Vicio ang sarili na syang kukubra
ng pasweldo na P100,000 sa unang dalawang buwan, pero nang dapat nang makakubra
ng kita ang pangwalo at panghuling miyembro ng grupo ay hindi na ito nagpakita.
Pindutin dito |
Ang mas masaklap, nakumbinsi niya ang ilan ang sa
mga nakakubra na ng sweldo mula sa paluwagan na ibalik nila ito para
pang-invest sa mga negosyong itinayo niya, at saka biglang naglaho.
Kalaunan, may ilang mga OFW ang nagreklamo din,
dahil ang mga dating “runners” daw ni Vicio ay ginaya ang kanyang estilo at
nagawa ding itakbo ang malaking halaga mula sa mga sumali sa kanilang sariling
paluwagan.
Nagpanukala si Tulfo na bigyan ng libreng financial literacy training ang mga OFW |
Para matigil ang ganitong panloloko, minungkahi ni Tulfo na magsagawa ng malawakang pagsasanay at pagpapakalat ng balita ang mga ahensyang kanyang binanggit, lalo na sa social media.
Kung maari, magpunta din daw sila sa mga probinsiya para
balaan ang mga tao doon tungkol sa mga online scam, at paano nila maiiwasang
mabiktima.
Nauna rito, nagpasa ng panukala si Tulfo na layong
mabigyan ang mga OFW ng libreng financial literacy training o pagsasanay para sa
mas maayos na pangangalaga sa kanilang kinita, at nang makaiwas sila sa scam.
Ang pagsasanay ay ibibigay bago sila umalis ng bansa (pre-departure) o pagdating nila sa bansang
kanilang pagtatrabahuan (post-arrival).
Kasabay nito ay nanawagan din si Tulfo sa mga
ahensya ng gobyerno na pigilan ang mga taxi na pumapasok sa airport sa
paniningil nang sobra sa mga OFW, at buwagin ang mga VIP lounges sa paliparan at
gawin silang “Balikbayan Hubs” para mga bagong bayani ng bansa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |