Caroline Blanco |
Abot na sa four years na nagtatrabaho si Caroline Blanco dito. Sa edad niyang 36 ay wala pa sa isip niya na magkaroon ng nobyo ngunit palagi siyang tinutukso ng mga kaibigan.
Minsan nang magkayayaan sila ng mga kaibigan na magtungo sa isang bar sa Central ay napilitan siyang sumama. Nalanghap niya ang pabango na gamit ni Natalie at nasabi niyang nakakaakit ang halimuyak nito. Ipinakita nito ang bote na may pink color ang liquid sa loob at nabasa niyang ito ay Dream Love 1000 Attract your Man, sinabi nito na gawa ito sa England. Naikuwento pa ng kaibigan na ito ang dahilan kung bakit siya nakapagasawa ng Chinese at naging residente dito. Tinanong kung saan makakabili nito at sinabing sa Victory Supermarket sa World Wide Plaza sa halagang HK$88 lamang.
Sumunod na Linggo ay bumili siya nitong pabango at ginamit bago makipagkita sa kanilang tambayan sa Tamar Park. Habang nakaupo ay may katabi silang grupo ng mga Pinoy na kalalakihan at napansin niya na ang isa sa kanila ay panay ang ngiti sa kaniya. Kapagdaka'y lumapit ito at nagpakilala. Napansin niyang nakangiti ng palihim ang mga kaibigan. Inalok nila na makijoin ito sa kanila at masaya itong nagpasalamat. Magkatabi silang nagusap at nasabi nito na ang mabango ang halimuyak ng gamit niya. Bago ito magpaalam iay hiningi ang kaniyang number. Sumunod na mga day off ay palagi na silang magkasama
Nasabi ni Natalie na importanteng huwag mag over spray nitong pabango dahil sa sekswal na sangkap na very effective.