Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Signal 3 itinaas dahil sa papalapit na bagyong Koinu

06 October 2023

Ang tinatahak na direksyon ni Koinu papuntang Hong Kong

 

Itinaas na ng Hong Kong Observatory ngayong 5:40 pm ang Strong Wind Signal No. 3 dahil sa paglapit ng Typhoon Koinu.

Pindutin para sa detalye

Nitong 6pm, itinatayang nasa 250 kilometro east-southeast ng Hong Kong at may lakas na 130kilometers per hour.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mananatili ang signal hanggang 4:00am bukas at pwedeng itaas pa, base sa obserbasyon sa lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyo sa susunod na mga oras.

Ang ibig sabihin nito ay inaasahan ang hanging may lakas na 41 hanggang 62 kilometro bawa’t oras sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ipinapayo ng Observatory na ipasok sa bahay ang mga bagay na pwedeng liparin dahil papalakas ang hangin lalo na sa matataas na lugar, at huwag magpunta sa dagat dahil malalaki ang alon.

Inaasahan ang malakas na bugso ng hangin at ulan sa susunod na tatlong araw, lalo na sa Linggo at Lunes, ayon sa Observatory.

Pindutin dito

Pero inaasahang hindi lalapit ang bagyo sa loob ng 100 kilometro ng Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss