Binalaan ang Pinoy sa korte na huwag nang mananakit ulit |
Iniatras ang habla sa isang Pilipinong domestic helper na kinasuhan dahil sa pananakit sa kinakasama, sa isang kundisyon: na hindi na muling lalabag sa batas sa loob ng isang taon, kundi ay papagbayarin siya ng $1,000 at magkaka- record pa.
Sinang-ayunan ni O.A., 46 taong gulang, ang “bind over”
order na inutos ni Eastern Magistrate Stephanie Chui noong Martes, Oct. 10, at
pati ang pagbabayad ng $200 bilang gastos sa pagdinig ng kanyang kaso, na
ibabawas sa kanyang piyansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pumayag din
siyang masentensyahan kahit wala siyang kasamang abugado sa pagdinig bagamat
may tagapagsalin sa wikang Tagalog.
Bago tinapos ang pagdinig sa kanyang kaso ay sinabihan si O.A. ng mahistrado na huwag na muling lalabag sa batas, lalo na yung paggamit ng dahas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
\Ayon sa binasang
sakdal, dati nang mag nobyo sina O.A. at ang nobyang si A.T. bago pa man sila
lumipad sa Hong Kong para magtrabaho. Magkasama silang nanunuluyan sa isang kuwarto
sa Leighton Road, Happy Valley nang
maganap ang insidente.
Dahil sa
pag-aaway nila nang matindi noong Aug. 28 ay nawalan ng control si O.A. at humantong iyon sa pagsabunot ni O.A. sa nobya, bago niya ito itinulak sa
dingding. Paliwanag ng lalaki, nadala lang siya sa bugso ng damdamin noon.
Pindutin dito |
Hindi daw ito
ang unang pagkakataon na nagkasakitan sila, ani O.A. Katunayan ay tatlong beses
na silang pinuntahan ng mga pulis noon at binalaan dahil sa kanilang bangayan.
Bagamat
nakahinga siya nang maluwag nang malaman na hindi siya makukulong ay may
panibagong problema pa ring kakaharapin si O.A. Matapos kasi siyang maaresto
dahil sa pananakit sa nobya ay natanggal siya sa trabaho, at kasalukuyang nag-aalala kung papayagan siya ng Immigration
na manatili sa Hong Kong para
magtrabaho.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |