Sa Airport naganap ang pananakit. |
Itinanggi ng isang Pilipino kanina na nanakit siya nang malubha ng isa niyang kasamahan sa trabaho sa Terminal 1 ng Hong Kong Airport, kaya itinakda ang kanyang paglilitis sa Dec. 4-5.
Nagpahayag ng kanyang pagtanggi si Christian de Guzman, 30
taong gulang, matapos basahan ng kaso kanina sa West Kowloon Court.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Itinakda ni Magistrate Jason Wan ang paglilitis sa Dec. 4-5,
at itinaas niya sa $2,000 ang piyansa ni de Guzman mula sa $500.
Ayon sa sakdal na
isinampa ng Airport Police, naganap ang pananakit noong Dec. 27, 2022 sa Airside
Apron ng Level 4 sa Terminal 1 ng airport, kung saan ipinapasok ang mga bagaheng
galing sa mga eroplanong bagong dating.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinuntok umano ni de Guzman ang kasamahang si Lo Chiu Yung, na
nagsanhi ng sugat sa tabi ng mata nito.
Ayon sa taga-usig, maghaharap sila ng limang testigo, kasama
na ang pulis na umaresto kay de Guzman.
Pindutin dito |
Ang depensa naman ay maghaharap ng tatlong testigo para kay
de Guzman.
Pinaalalahanan ni Magistrate Wan si de Guzman na makipagkita
siya nang mas maaga sa duty lawyer, na libreng ibinibigay ng korte, upang maayos
na maihanda ang kanyang depensa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |