Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinong driver, 'guilty' sa salang pagsugat sa kababayan

04 October 2023

 

Ang kaguluhan ay nangyari sa tabi ng parkeng ito sa Wanchai

Napatunayang "guilty" si Delfin Villaremo, 55 taong gulang at driver, sa salang pagsugat sa isang kapwa Pilipino sa isang rambulan sa Wanchai noong nakaraang taon, matapos litisin.

Ang hatol ay ibinaba kahapon, Oct. 3,  sa Eastern Court ni Magistrate Tsang Chung-yiu.

Ipinagpaliban ng mahistrado ang sentensya sa Oct. 18 , pero kinansela ang piyansa ni Villaremo na  $1,000 upang masimulan na niya ang pagsisilbi sa parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Villaremo ay kapwa akusado ng isa pang Pilipino na si Romeo Miranda, 45 at isang construction worker, na kinasuhan naman ng pagsugat sa mukha ng isa pang kapwa Pilipino,  gamit ang kutsilyo. 

Naganap ang insidente noong Oct. 9, 2022, sa Tai Wo Playground sa Wanchai, nang sugurin ni Villaremo ang isang grupo ng mga Pilipino at Intsik na umano'y pinagtutulungang bugbugin si Miranda.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong Feb. 2 ay nagpahiwatig si Villaremo na gusto na nyang umamin sa krimen, pero hindi ito pinansin ni Magistrate Jason Wan nang malamang wala itong abugado.

Nang tanungin siya kung bakit wala siyang abugado, sinabi niya na wala syang perang pambayad.

Pindutin dito

Pinayuhan siyang magpunta sa opisina ng Duty Lawyer Service na nagbibigay ng libreng abugado sa mga akusado sa krimen na walang kakayahang magbayad.

Ang payo ng abugadong nakuha niya ay itanggi ang akusasyon, na nagresulta sa paglilitis na natapos noong Sept. 28.

Ang oinakamabigat na sentensya sa isang simpleng kaso ng wounding o pagsugat ay tatlong taong pagkakakulong.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss