Mahigit $1M ang pumasok at lumabas sa account ni Sahagun sa WeLab (bank brochure) |
Sinentensyahan ng walong buwang pagkakakulong ang isang Pilipina matapos aminin ang kasong money laundering na isinampa nang makitang dumaan ang kabuuang halaga na $1,064,000 sa kanyang bank account.
Ayon sa mahistrado na nagbaba ng sentensya kay Janice L. Sahagun, bagamat pangkaraniwan na ngayon ang ganitong kaso, kailangan pa ring maglabas ng matinding babala ang korte para hindi ito pamarisan ng iba.
Si Sahagun, 41 taong gulang at dating domestic helper, ay nakapiit simula pa noong Abril nang mahuli siya dahil sa pag-overstay at paggamit ng droga. Hindi siya pinayagang magpiyansa, at nasentensyahan noong Hunyo ng pagkakakulong ng 5 buwan at 10 araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dapat sana ay maari na siyang lumaya ngayon, kung hindi nakita ang malaking halaga na dumaan sa kanyang account sa WeLab Bank.
Ayon sa tagausig, dumating si Sahagun sa Hong Kong bilang domestic helper noong 2015, at nagtuloy-tuloy sa pagtatrabaho hanggang ma-terminate noong ika 16 ng Marso ng kasalukuyang taon. Hindi siya umalis bago matapos ang 14 araw na palugit sa kanyang visa, at nang mahuli ay 13 araw nang overstay.
Noong 2021 ay naengganyo daw siyang magbukas ng account sa WeLab, isang online bank, dahil sa ipinangakong gantimpala na $150.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pagkatapos niyang magbukas ng account ay tinanggal daw niya ang mobile application para sa bangko, at hindi niya ginamit ang binuksang bank account. Wala din daw siyang natanggap na bank statement.
Pero
noong nakaraang taon ay nakiusap daw sa kanya ang isang kaibigan na hiramin ang
kanyang bank account at pumayag siya nang hindi muna nag-iisip.
Sa
loob lang ng walong araw, o mula Nov. 8 hanggang Nov 16, 2022 ay may
naglabas-masok na pera sa account ni Sahagun na umabot sa kabuuang halaga na
$1,064.
Pindutin dito |
Sa
panahong ito ay nagtatrabaho pa siya sa Hong Kong at sumasahod lang ng $4,800
kada buwan at may food allowance na $1,200.
Ayon kay Sahagun ay wala siyang alam sa perang ipinasok sa kanyang account pero nang makuha ng mga awtoridad ang kanyang mobile phone matapos siyang mahatulang makulong noong June 23 ay nakitang naka log-in pa siya sa kanyang bank account.
Sa kanyang unang pagharap sa korte noong Aug. 3 ay $170,000 lang ang perang galing sa krimen na unang nakita sa kanyang account, pero sa ginawang patuloy na pagsisiyasat ay nakitang di hamak na mas malaking halaga ang pumasok dito.
Nakiusap
ang abugado ni Sahagun na gawing mas mababa sa 12 buwan ang pamantayan ng pag
sentensya sa akusado. Nagbanggit ito ng isang kaso kung saan ang isang akusado
na nakitang ginalaw ang malaking pera na dumaan sa account niya, na galing pa
sa krimen na ginawa sa ibang bansa, ay 12 buwan lang ang ginamit na pamantayan.
Sa
kaso daw ni Sahagun ay walang nakitang ebidensya na may naging parte sya sa
malaking halaga na pinadaan sa account niya, at wala ding palatandaan na ang
krimeng pinanggalingan ng pera ay naganap sa ibang bansa.
Hindi
naman ito pinansin ni Magistrate Leung Siu-ling na nagsabing dapat lang na
mag-umpisa sa 12 buwan ang pag sentensya kay Sahagun dahil sa laki ng halagang
sangkot sa kaso laban sa kanya. Binigyang pansin din niya na ang mahigit $1
million ay pinadaan sa kanyang account sa pamamagitan ng 5 pag deposito sa loob
lang ng 8 araw.
Binigyan niya ng 1/3 na discount sa sentensya si Sahagun dahil sa kanyang pag-amin at malinis na record kaya 8 buwan pa rin siyang mananatili sa kulungan.
Ang
paggamit o paghawak ng perang galing sa krimen o money laundering ay isang paglabag
sa sections 25(i) at 25 (3) ng Organized and Serious Crimes Ordinance, Cap 455,
na nagtatakda ng karampatang parusa na
aabot sa 14 taon na pagkakakulong, at $5 million na multa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |