Ang overstay na Pinay ay hindi pinayagan ng korte na magpyansa |
Hindi nakalaya ang Pilipinang si Marina de Guzman, na nahaharap sa dalawang kaso ng pag-overstay, matapos tanggihan ng korte ang bagong alok nyang piyansang $4,000 nang humarap siya nitong Martes (Oct. 10) sa Shatin Court.
Ang dahilan ni Acting Principal Magistrate Amy Chan sa
kanyang pagtanggi ay hindi maaasahang babalik si de Guzman sa korte sa susunod
na pagdinig sa Dec. 4, dahil nagawa na niyang takasan ang korte noong 2017.
Ito rin ang dahilan kung bakit may dalawang kaso siya ng
overstay, na paglabag sa kondisyon na ibinigay sa kanya upang manatili sa Hong
Kong , kahit hindi siya umaalis mula nang dumating siya noong 2011 bilang isang
domestic helper.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang unang kaso ni de Guzman ay nagmula sa kanyang
pag-overstay na natapos noong Feb. 11, 2016, nang siya ay sumuko sa Immigration
Department dalawang taon matapos ang taning niya upang umalis dahil sa
pagtatapos ng kanyang kontrata noong Jan. 13, 2014.
Pero hindi siya sumipot sa pagdinig ng kasong ito noong Dec.
29, 2017 kaya ipinaaresto siyang muli.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero naaresto lang siya pagkalipas ng limang taon kaya kinasuhan ng pag-overstay simula Dec. 30, 2017 hanggang nitong July 27.
Ayon sa kanyang abogado, kailangang makalabas si de Guzman
sa kulungan dahil kailangan niyang magpagamot para sa alta presyon at pamamaga ng
binti.
Pindutin dito |
Pero sinagot siya ni Magistrate Chan na pwede naman siyang
gamutin habang nasa kulungan.
Nang idagdag ng abogado na nag-apply na rin siya ng judicial
review sa High Court, sumagot si Chan na pwede niyang hintayin ang resulta nito
sa kulungan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |