|
Nasentensyahan ang Pilipina sa Shatin Court |
Isang Pilipinang domestic helper ang nahatulan ng pitong
linggong pagkabilanggo kanina sa Shatin Court matapos siyang umamin na
nagtrabaho nang ilegal.
Si Hazel Necesario, 36 taong gulang, ay sinampahan ng kaso
ng Immigration Drpartment matapos siyang mahuli noong May 24 habang gumagawa ng
iba’t ibang trabaho ("odd jobs") sa Hung Hom, apat na buwan matapos siyang mabigyan ng visa.
Ayon sa charge sheet, nabigyan ng visa si Necesario bilang
domestic helper noong Jan. 7, base sa kontratang pinirmahan niya at kanyang amo
na si Sherran Siu.
Ang pagtatrabaho sa kahit saan maliban sa amo, ay paglabag ng
section 41 ng Immigration Ordinance, na nagtatakda ng parusang pagkabilanggo
nang hanggang dalawang taon at multang aabot sa $100,000 para sa mga menor na kasong
gaya nito.
Ang opisyal na tawag sa kaso niya ay “breach of condition of
stay” o paglabag sa mga kondisyon sa pamamalagi sa Hong Kong Kong, na ibinigay
ng Immigration.
Unang humarap si Necesario sa Fan Ling, kung saan isinampa
ang kaso, pero kalaunan ay inilipat ito sa Shatin, na nakilala bilang korte para
sa mga kasong may kinalaman sa Immigration Ordinance, at nauwi sa sala ni Deputy
Magistrate Melvin Ho na siyang nagbigay ng parusa kay Necesario.