Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, nabistong OS matapos mahuling nagtitinda ng pekeng produkto

22 October 2023

Unang palapag ng WorldWide Plaza, kung saan nahuli ang Pilipinang tindera 

Isang Pilipinang nahuli sa isang raid ng Customs and Excise Department sa Worldwide Plaza sa Central noong Sept. 20 na nagtitinda ng mga pekeng branded na gamit, ang nahaharap sa mas malaking kaso matapos mabisto na nag-overstay na siya nang dalawa at kalahating taon.

Maliban sa pagtitinda at pagkakaroon ng pekeng branded goods na gaya ng tsinelas, sapatos, bag at damit si Sandralyn Bartolome, 34 taong gulang at dating domestc helper, ay sinampahan ng dagdag na kasong overstay at ilegal na pagtatrabaho nang humarap siya noong Biyernes (Oct. 20) sa Eastern Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, hindi siya pinayagang magpiyansa at ikinulong hanggang sa susunod na pagdinig sa Dec. 15.

Ang kanyang co-defendant sa kaso -- ang may-ari ng tindahan at kapwa Pilipinang si Josefina Ygot, 39 taong gulang -- ay nakakalaya nang pansamantala dahil sa pyansang $10,000.

Pindutin para sa detalye

Pumayag si Principal Magistrate Ivy Chui sa hiling ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdinig sa Dec. 15 upang masuri ang mga produktong nasamsam ng mga operatiba ng Customs, at paghahanda ng mga dagdag na kaso laban kay Bartolome.

Pinayuhan din ni Magistrate Chui ang dalawa na sumangguni sa libreng abogado ng Duty Lawyer Service ng korte upang maging handa silang umamin o tumanggi sa mga akusasyon sa araw na iyon.

PINDUTIN DITO!

Ang dalawa ay sinampahan ng dalawang kaso ng paglabag sa Trade Descriptions Ordinance nang mahuli silang nagtitinda ng isang pares ng tsinelas na may markang “Hermes” at nagtatago ng 1,206 na iba pang produkto na may pekeng marka upang itinda sa shop sa first floor ng Worldwide Plaza.

Ang mga markang nakatatak sa mga produkto ay Hermes, Gucci, Prada, Tory Burch, Chanel, YSL, Longchamp, Asics, Nike, Adidas, Mickey Mouse, Hello Kitty, Calvin Klein, Polo Ralph Lauren, Chloe, Christian Dior, Louis Vuitton, Levi’s, Tommy Hilfiger, at Lacoste.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maliban dito, kinasuhan din si Bartolome ng pananatili sa Hong Kong ng walang pahintulot ng Immigration. Nahuli siya noong Sept. 20, kahit na ang taning upang umalis siya ay noon pang March 20, 2021, nang matapos ang kanyang kontrata.

At dahil nahuli siya habang nagtitinda, kinasuhan din siya ng ilegal na pagtatrabaho habang overstay.

Pindutin dito

Ang dalawang gawaing ibinibintang sa kanya ay ipinagbabawal ng Immigration Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss