Dinidinig ang kaso sa Sha Tin Magistracy |
Isang Pilipina ang ipinaaresto matapos hindi sumipot kanina sa Shatin Court sa pagdinig ng walong kaso laban sa kanya.
Inutos rin ni Acting Principal Magistrate Amy Chan na
kumpiskahin ang piyansang inilagak sa pulis ni Leila W. Fonte, 55 taong
gulang, at huwag payagang makapagpiyansang muli.
Ang kasama niyang kinasuhan sa dalawa sa walong kaso, si
Ricardo de Austria, 53 taong gulang na kapwa Pilipino, ay nakapagpiyansa ng
$1,000 at nakalaya hanggang sa susunod na pagdinig sa Nov. 22.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dalawa ay inakusahang nagsabwatan sa pagpapagamit ng Hong
Kong ID ni de Austria sa isa pang tao, si Mohammed Shah, noong July 2020, na
labag sa Crimes Ordinance at sa Registration of Persons Ordinance.
Sila rin ay inakusahan ng money laundering dahil ang account
ni de Austria sa Hang Seng bank at CMB Wing Lung Bank ay nagamit sa pagpasok at
paglabas ng kabuuang $414,781 na galing sa krimen mula Aug. 6, 2020 hanggang
Sept. 7, 2022, na labag sa Organized and Serious Crimes Ordinance..
Maliban sa dalawang kasong ito, si Fonte ay sinampahan ng
anim na karagdagang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong 2016, nilabag umano niya ang Registration of Persons
Ordinance nang ipinagamit ang sarili niyang HKID sa kapwa Pilipinang si Merlyn
Ibon.
Naulit ang pagpapagamit niya sa kanyang HKID kay Ibon noong
September 2021.
Sa ikatlong pagkakataon, Ipinagamit muli ni Fonte ang
kanyang HKID kay Ibon noong January 2022.
Pindutin dito |
Sa pagitan ng July 2018 hanggang September 2021, nakipagsabwatan
si Fonte kay Ibon sa pagpasok at paglabas sa isang HSBC account ng kabuuang
$596,611.4 na galing sa krimen, na labag sa Common Law at Crimes Ordinance.
Dahil sa pagpapagamit ng HKID ni Fonte kay Ibon sa pagitan
ng July at August 2018, nakakuha si Ibon ng utang na $10,003 mula sa United
Asia Finance, na labag sa Common Law at Crimes Ordinance.
Ang ikawalong kaso laban kay Fonte ay ang paglabag sa Immigration
Ordinance nang magsinungaling siya sa Immigration officer dahil sinabi niya noong
Feb. 11, 2020 habang siya ay kumukuha ng dependant visa, na siya ay
nagtatrabaho sa isang restaurant kahit hindi.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |