Isang Pilipinang inakusahan ng pagnanakaw ng mahigit $35,000 ang kabuuan mula sa kanyang amo ang ibinalik sa kulungan matapos tanggihan ang alok niyang piyansa noong Biyernes (Oct. 6) sa Eastern Court.
Nag-alok
ng $1.000 ang abogado ni Susan Palacio, 40 taong gulang, upang makalaya siya nang
pansamantala hanggang sa susunod na pagdinig, pero tinutulan ito ng taga-usig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Pinag-isipan
ko ang alok mo at tinatanggihan ko ito dahil sangkot sa kaso mo ang paglabag ng
tiwala at mabigat ang ebidensiya, laban sa iyo” sagot ni Principal Magistrate
Ivy Chui bilang pagpanig sa taga-usig.
“Pero may karapatan ka sa bail review,” dagdag niya. Ito ay ang muling pagdinig sa kaso upang pag-usapang kung may nabago sa kalagayan ng kaso na sapat para payagan na makapagpiyansa si Palacio.
Itinakda niya ito sa Oct. 13.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin dito |
Akusado
si Palacio sa pagnanakaw ng HK$30,000, 200 Australian dollar (HK$1,000) at 500 Euro (HK$4,150)
Nangyari
ang sinasabing nakawan sa pagitan ng July 15 at Oct. 1 ng taong ito, nang arestuhin siya sa
bahay ng amo sa Stanley Prison Staff Quarters sa Stanley, Hong Kong.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |