Ang ilan sa mga pagkaing Pinoy na makikita sa Wellcome at Market Place |
Ngayon, hindi na kailangan pang pumunta sa WorldWide Plaza o sa pinakamalapit na Pinoy store sa inyo para makabili ng mga paborito mong pagkain mula sa Pilipinas.
Simula kasi noong Oct. 6 ay binebenta na ang ilang
mga paboritong pagkain ng mga Pilipino sa iba-ibang sangay ng Wellcome at
Market Place sa Hong Kong, katulad ng Skyflakes, Argentina corned beef, Oishi chips, Del Monte
Filipino spaghetti mix at Mama Sita kaldereta mix.
Ang proyekto na “Philippine Flavours” na sinimulan
ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC) – Hong Kong sa ilalim ng
Konsulado ng Pilipinas, ay tatagal hanggang
Nov. 2, o depende sa magiging pagtangkilik ng publiko.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa kasalukuyan ay napapamahal ang presyo ng mga
tinda galing sa Pilipinas dahil kailangan pang patungan ng malaki ang pasa ng
mga local suppliers dahil sa mahal ng renta sa Hong Kong. Kadalasan, ang presyo
ay base sa halaga ng palitan ng piso, at pinapatungan ng doble para maging
sulit ang bentahan dito.
Sabi ng PTIC ang pagbebenta ng mga produktong
Pilipino sa dalawa sa pinakamalalaking supermarket chain sa Hong Kong ay patunay
sa laki ng bilang ng mga Pilipino dito, at sa lumalaking interes ng mga lokal
na residente sa mga pagkaing galing sa Pilipinas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isang ehemplo dito ang pagkakahirang sa Jollibee fried chicken bilang pinakamasarap na fast food fried chicken sa buong Hong Kong sa isang pagsisiyasat na isinagawa ng South China Morning Post noong 2017.
Para malaman ang pinakamalapit na sangay ng dalawang
supermarket na may tindang mga produkto mula sa Pilipinas ay click lang ang link na ito: https://shorturl.at/cuGJS
(para sa Wellcome) at https://shorturl.at/eiwZ4 (para sa Market Place)
Pindutin dito |
Pagsisikapan daw ng PTIC na makumbinsi ang iba pang mga
grocery, department stores at iba pang tindahan na magbenta din ng sari-saring
pagkain mula sa Pilipinas.
Para sa karagdagang detalye, maaring mag email sa hongkong@dti.gov.ph
o sundan ang Facebook page ng PTIC-HK at DTI Hong Kong.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |