Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

May papalapit na namang super typhoon sa HK

03 October 2023

 

Ang mapang nagpapakita ng laki ng bagyo. (HKO photo)

Ang tag-init na dinaranas ngayon ng Hong Kong ay mapapalitan ng mahangin at maulang panahon simula sa gabi ng Huwebes dahil sa paglapit ng isang bagyo na nasa bandang silangan  ng Luzon ngayon, ayon sa Hong Kong Observatory.

Kasalukuyang nagbabagsak ng malakas na ulan sa buong Pilipinas ang bagyong Jenny (international name Koinu) dahil hinihila nito ang makakapal na ulap ng southwest monsoon na nasa karagatan sa hilagang kanluran, ayon naman sa Pagasa.  

Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin ng Pagasa kaninang 5pm, si Jenny ay nasa 485 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay umuusad papuntang Hong Kong sa bilis na 12 kph, at tinatayang daraan sa pagitan ng Luzon at Taiwan bukas, bago pumasok sa malawak na China Sea, kung saan lalakas pa ito at magiging super typhoon.

Ang hanging dala ng bagyo ay umiihip nang hanggang 155 kilometers per hour (kph) at bumubugso hanggang 190 kph, ayon sa Pagasa.

Ayon naman sa HK Observatory, tinatayang hihina ang super typhoon habang papalapit sa katimugang kalupaan ng Guangdong, lalo sa Biyernes kung kailan nasa loob ng 100 kilometro na lamang ang layo nito sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Wala pang inilalabas na warning ang HKO, pero inaasahan ito sa Huwebes.

Samantala, muling nagbigay ng paalala ang gobyerno upang maging ligtas sa pagdating ng bagyo.

Pindutin dito

Ilan sa mga paalala:

  • Mag-ingat sa baha kung nakatira sa mga mababang lugar gaya ng Shing Mun River, Tai Po, Sha Tau Kok at Sai Kung.
  • Kapag inabutan ng malakas na ulan at hangin habang nasa labas ng bahay, umiwas sa mga lugar na may mga puno at baka mabagsakan.
  • Kung nasa bahay naman, umiwas na mapalapit sa mga bintana at baka mabasag dahil sa malakas na hangin o mga bagay na nilipad nito.
  • Kapag ang gitna ng bagyo ay dumaan sa inyong lugar, maaasahang titila ang ulan at hihina ang hangin. Pero dahil sa pag-usad nito, babalik ang dating lakas ng hangin at ulan, kaya huwag magpakampante na tapos na ang bagyo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
Don't Miss