Bigong muli ang Pilipinong si Ronald Bondoc, ang akusado sa pananakit sa kanyang kinakasama at pananakot na uulitin niya ito, na makawalang pansamantala matapos tanggihan ang alok niyang piyansa kahit itinaas niya ito sa $11,000 mula sa $10,000.
Sinabi ni Principal Magistrate Ivy Chui sa bail review ni Bondoc,
42 taong gulang, sa Eastern Court noong Biyernes (Oct. 20), na walang malaking
pagbabago sa katayuan ng kaso kaya hindi niya mapagbibigyan ang hiling nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin para sa detalye |
Idinagdag ni Magistrate Chui na nakita niya ang mga larawan
ng namamagang mukha ng biktimang si Carla Gonzales, kaya isinasantabi niya ang pahayag
ng abogado ni Bondoc na hindi mabigat ang kasong kinakaharap niya.
Pinansin din ni Chui na nangyari ang pananakit ilang buwan
lamang pagkatapos pagsilbihan ni Bondoc ang sentensiyang ipinataw sa kanya
noong April 3 ng Eastern Court.
PINDUTIN DITO! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinakulong siya ng 10 linggo dahil sa pagbabantang susunugin
niya ang Konsulado ng Pilipinas, pananakit sa isang kawani nito, at
pag-iistambay sa lobby nito na nagsanhi ng takot sa mga tao.
Nauna rito, sinabi ng abogado ni Bondoc na kailangan niyang
makalaya upang makapagtrabaho dahil kailangan nyang padalhan ng pera ang dalawa
niyang anak na nasa Pilipinas.
Pindutin dito |
Inilista rin nito ang mga kundisyong susundin niya habang
nasa labas, gaya ng araw-araw na pagreport sa Wanchai Police, na hindi siya aalis
ng Hong Kong habang hindi natatapos ang kaso at ipapaalam niya sa pulis kung
lilipat siya ng bahay.
Nakaalis na rin ang biktima sa flat na tinitirhan nila, dagdag
ng abogado.
PADALA NA! |