Lumalaki ang kasong kinakaharap ng Pilipinang si Kathleen Vizcarra, na humarap sa Shatin Court kanina bilang akusado sa sabwatan para lokohin ang Immigration Director upang aprubahan ang kontrata ng isang domestic helper na hindi naman pala nagtrabaho sa nakalistang amo.
Ayon sa tagausig, kailangang ipagpaliban ang pagdinig dahil lima
na ang ganitong kaso na inilapit sa kanila, at bawa’t isa ay kailangang
imbestigahan at hingan ng legal na payo mula sa Department of Justice.
Pindutin para sa detalye |
Itinakda ni Magistrate Gary Chu ang susunod na pagdinig sa Dec. 14. Samantala, pinakawalang pansamantala si Vizacarra, 34 taong gulang, sa piyansang $2,000.
Pinayuhan siya ni Magistrate Gary Chu na makipag-usap agad
sa libreng abogado ng Duty Lawyer Service ng korte upang maayos niyang
madepensahan ang sarili.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kinasuhan si Vizcarra dahil nagpasok siya sa Immigration
Department ng isang kontrata sa pagitan nina Maricel Arante bilang domestic helper
at Chan Mei-jen bilang amo.
Dahil pinalabas ni Vizcarra na magtatrabaho si Arante kay
Chan, nabigyan ng kaukulang visa si Arante at pinayagang manirahan sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nadiskubre kinalaunan na hindi naman pala talagang nagtrabaho si Arante kay Chan.
Ayon sa tagausig, tatlong katulad na kaso na ang nabuo na nila, kasama ang kaso ni Arante, at may dalawa pang madadagdag.
Pindutin dito |
Ang kasong laban kay Vicarra ay tinaguriang conspiracy to
defraud, na labag sa Common Law at pinarurusahan
ng Crimes Ordinance ng hanggang 14 na taong pagkabilanggo.
PADALA NA! |
CALL US! |