Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kaso ng tangkang panloloob, iaakyat sa District Court

31 October 2023

 

Ililipat sa District Court ang kaso sa Nov 27

Isasampa sa District Court ang kaso ng isang Pilipinong akusado sa tangkang panloloob (attempted burglary) sa isang flat sa Hung Hom noong Aug. 9.

Ang kaso laban kay Arnulfo dela Rosa, 46 taong gulang, ay mas seryoso sa simpleng pagnanakaw (o theft) kahit di naisakatuparan kaya ililipat sa mas mataas na korte, mula sa Kowloon City Magistrates' Court.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN DITO!

Ayon sa batas ang parusa sa panloloob ay maaring umabot sa hanggang 14 na taong pagkakakulong, ngunit karaniwan nang ginagamit ang tatlong taon bilang paunang sentensya, na maaring mabawasan pa depende sa laki ng halagang natangay kung meron, o kung umamin ang akusado.

Hindi tumutol ang abogado ni dela Rosa sa pagtakda ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung ng susunod na pagdinig sa Kowloon City Court sa Nov. 27, upang pormal na ilipat ang mga dokumento ng kaso.

Dahil hindi humiling ng pyansa ang akusado ay ibinalik siya sa kulungan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Pindutin dito

Si dela Rosa, na walang trabaho at walang permanenteng tirahan sa Hong Kong, ay inakusahang nagtangka na pumasok sa isang flat sa Mei King Mansion sa Hung Hom.

Walang iniulat na nawala sa lugar, pero sinabi ng report ng Kowloon City Police na may intensiyong magnakaw si dela Rosa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss