Iaakyat sa District Court mula sa Eastern Court ang kaso ng panloloob (o burglary) laban sa isang Pilipinang domestic helper na bumalik daw ng walang paalam sa bahay ng amo matapos ma-terminate at nagnakaw.
Sa pagdinig kahapon (Oct. 18), hiningi ng tagausig na
ipagpaliban ang kaso ni Cornelio upang maihanda
nila ang mga dokumento para sa paglilitis sa mas mataas na korte.
Pindutin para sa detalye |
Dahil hindi humiling ng piyansa si Cornelio, inutos ni Principal
Magistrate Ivy Chui na ibalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig
sa Jan. 15 para sa pormal na paglilipat ng kaso sa mas mataas na hukuman.
Ayon sa report ng pulis, ang unang pagnanakaw ay naganap noong
June 8 sa bahay ng kanyang amo sa Connaught Road West sa Sai Ying Pun. Nagreklamo
sa pulis ang among si Lau Tsz-yan na nawalan siya ng isang gintong kuwintas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Makalipas ang halos isang buwan, o noong July 6, ay nagreklamo ulit ang amo na nawalan naman siya ng gintong pulseras at isang pendant, dahilan para i-terminate niya si Cornelio.
Tatlong araw makalipas ito, o noong July 9 ay bumalik umano si Cornelio sa bahay ng amo at pumasok nang walang paalam.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dito nawala ang 2,300 Taiwan dollar, 490,000 Vietnam Dong, 381,000 Korean won, 104 Singapore dollar, $1,400 Thai bath, at 9,000 Hong Kong dollar na ang kabuuang halaga ay halos HK$12,000.
Nagnakaw din daw siya ng tatlong gold chain, dalawang CCTV camera at isang kurtina sa pinto, ayon sa report ng pulis.
Pindutin dito |
S ilalim ng Theft Ordinance, ang simpleng pagnanakaw ay may parusang aabot sa 10 taon. Mas seryosong kaso ang panloloob (o burglary) dahil ay parusa dito ay pagkakakulong ng hanggang 14 na taon.
PADALA NA! |
CALL US! |