Nakaiwas sa kulong ang isang Pilipinang umamin sa pagnanakaw ng $3,000 cash sa kanyang amo, nang bigyan siya kanina ng sentensiyang apat na buwan sa kulungan, pero suspendido nang dalawang taon.
Gulat na lumabas sa korte si A. Torres, 32 taong gulang, at
naintindihan lang niya ang nangyari nang payuhan siya ng guwardiya na bumaba
sa cashier ng Fan Ling Court upang bawiin ang $300 na inilagak niya bilang
piyansa.
Dahil pauwi na siya sa Pilipinas bukas, hindi na rin
niya problema ang ipinataw na kundisyon ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi na huwag siyang lalabag sa batas ulit sa susunod na 24 buwan kundi ay makukulong siya.
Pindutin para sa detalye |
Kinasuhan si Torres ng pagnanakaw ng anim na pirasong $500 sa amo niyang taga- Lok Ma Chau sa New Territories noong Aug. 26.
Nang mapansin ng amo na nawawala ang pera sa kanyang wallet
at nagtanong, agad umamin si Torres na siya ang kumuha at ibinalik ang pera.
Pero tumawag pa rin ng pulis ang amo at inaresto siya, bago kinasuhan ng paglabag sa Theft Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa pagdinig kanina, humingi ng
pag-unawa ang abogado ni Torres kay Magistrate Cheng.
Ayon sa abugado, pinagsisisihan ni Torres ang kanyang ginawa, na malaki ang
nawala sa kanya dahil naputol ang kita niyang $4,300 kada buwan mula nang
makasuhan siya, at natigil ang kanyang pagpapadala ng pera sa kanyang mga
magulang at isang kapatid sa Pilipinas, na umaasa sa kanya.
Mula nang dumating siya sa Hong Kong noong 2015 para magtrabaho
bilang domestic helper, dagdag ng abogado, ngayon lang siya nagkaproblema sa
batas at ito ay dahil na-stroke ang kanyang ina at nangailangan ng malaking
halaga upang maipagamot.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero sabi ni Magistrate Cheng kay Torres hindi lang nito nilabag ang batas, kundi binalewala din ang tiwala ng kanyang amo. Dagdag niya, ang mga ganitong kaso ay karaniwang
pinaparusahan ng pagkakakulong ng anim na buwan,pero dahil sa kanyang pag-amin ay mababawasan ito ng dalawang buwan.
Gayunpaman, nanaig pa rin ang awa sa mahistrado.
“Malinaw na nagawa mo
ito para sa iyong ina,” paliwanag niya
sa wikang Inggles. “Nawalan ka ng trabaho, at mapipilitan kang umuwi dahil ikaw
ay hindi na makakakita ng bagong amo, kaya wala nang panganib na muli kang magkakasala.”
Dahil dito ay idinagdag niya na suspendido ang sentensiya nang dalawang
taon.
Pindutin dito |
Sa gulat ay hindi agad umalis sa kinatatayuan si Torres,
hanggang pinalabas siya ng guwardiya. Saka lang niyang naintindihan ang desisyon ng
Magistrate nang ipinaliwanag ito sa kanya sa wikang Ilokano ng kanyang Pilipinong interpreter. .
PADALA NA! |
CALL US! |