Mga alahas at HK$50,000 cash daw ang kabilang sa ninakaw ng Pinay (File) |
Dahil sa laki ng halaga ng umano’y ninakaw niya, isang Pilipina ang inutusang humarap sa District Court sa darating na buwan imbes sa Fan Ling Magistracy kung saan siya isinakdal.
Hindi rin pinayagang magpiyansa si Merlyn Bugtaouen, 31 taong
gulang at isang domestic helper, at ibinalik sa kulungan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Itinakda ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi ang pagharap
niya sa District Court sa Nov. 24.
Inakusahan si Bugtaouen ng pagnanakaw ng mga alahas at cash
sa bahay ng kanyang amo sa Tai Wing Lane, Tai Po, mula Marso 2022 hanggang
March 2 ng taong ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inakusahan siyang nagnakaw ng 10 bracelet, 9 na bangle, 20
pendant, 13 singsing, 13 kuwintas, isang kwintas na may pendant, isang relo,
isang pares ng hikaw, cash na HK$50,000, cash na 5,000 Thai baht at cash na 51,000
New Taiwanese dollars.
Samantala, sa Eastern Court, lumuluhang humarap ang isa pang Pilipina sa kasong shoplifting, na hiniling ng kanyang abogado na ipagpaliban dahil nakakipag-usap siya sa taga-usig sa isang plea bargain upang mapagaan ang kanyang parusa.
Pindutin dito |
Inakusahan siyang nagnakaw noong July 28 sa tindahan ng Kaibo ss Sai Ying Pun ng isang manok, isang bote ng oyster sauce, isang pakete ng karne ng baka, at isang pakete ng karne ng baboy na may kabuuang halaga na $250.50.
Pumayag si Principal Magistrate Ivy Chui sa hiling at
itinakda sa Nov. 1 ang susunod na pagdinig ng kaso ni L. Laraga, 36 taong
gulang at isang domestic helper, pero idinagdag niya na dapat ay handa na itong
sabihin kung umaamin siya o tumatanggi sa paratang.
Nakalaya siyang pansamantala sa piyansang $500.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |