Umamin sa 13 beses na panloloob at pagnanakaw sa loob ng dalawang buwan noong 2022 ang isang Pilipinong asylum seeker sa pagdinig ng District Court na ginawa kanina sa Tsuen Wan Courthouse.
Itinakda ni Judge Gary Lam sa Nov. 10 ang pagbaba ng sentensiya
ni Jefrey Quiatchon, 36. Inutos rin niya na ibalik sa kulungan si Quiatchon, na
nakakulong mula pa noong Marso dahil hindi pinayagang magpiyansa, para doon hintayin
ang hatol.
Base sa imbestigasyon, nakita si Quiatchon sa lahat ng CCTV video
na nakalap ng mga pulis sa 13 lugar na nilooban niya mula June 7, 2022 hanggang
July 4, 2022, na karamihan ay mga restaurant sa Mongkok, Yau Ma Tei, Sham Shui
Po at Cheung Sha Wan. Malapit ang mga ito sa kanyang tirahan sa Jordan.
Pindutin para sa detalye |
Sa bawat panloloob na ginawa niya ay nakunan siya sa CCTV na nakasuot ng surgical mask habang hinahablot ang cash box sa mga restaurant na may lamang pera, tablet, mga mobile phone at pati mga sulat.
Nang isagawa niya ang panloloob, mayroon din siyang suspendidong
sentensiya para sa isa pang kasalanan. Hindi nabanggit sa pagdinig ang detalye
ng kasong ito.
Sa paghiling ng mas magaang na parusa para kay Quiatchon, sinabi ng abugado niyang si Peter Tracy sa korte na sa lahat ng ginawa niyang panloloob ay pumasok siya nang palihim at hindi nanira ng pinto, o nanakit at tumakot ng kahit sino.
PINDUTIN DITO! |
Hindi rin siya kumita ng malaki, dahil naibenta lang niya
ang mga ninakaw sa mababang halaga, dagdag ni Tracy.
Pero nang mabanggit niya ang pagiging asylum seeker ni Quiatchon
bilang kaisa-isang pampabigat sa kaso nito, dinagdagan ito ni Judge Lam: “Committing
serial burglary is also an aggravating factor (Ang panloloob nang sunod-sunod
ay pampabigat din).”
Nagsimula ang panloloob ni Quiatchon noong June 7 sa isang
Indian restaurant sa Yau Ma Tei, Kowloon. Isang tablet computer ang natangay
daw niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinundan ito ng isa pang panloloob noong June 9 sa isang
Chinese restaurant sa Mong Kok Road, Mong Kok, kung saan isang mobile phone
naman ang natangay.
Ang ikatlo ay nangyari noong June 14, nang pasukin ni
Quiatchon ang isang coffee shop sa Cheung Sha Wan Road sa Sham Shui Po, at tinangay
ang isang mobile phone.
Noong araw ding iyon, pinasok niya ang isang noodle shop sa
Yu Chau Street sa Mong Kok, at nagnakaw ng isang mobile phone.
Pindutin dito |
Ang ikalimang kaso ay noong June 18, kung saan pinasok niya
ang isang Shanghainese restaurant sa Shek Kip Mei St. sa Sham Shui Po at
nagnakaw ng $3,000 at isang apron.
Kinabukasan, pumasok naman siya sa isang Vietnamese restaurant sa Fuk Wa St., Sham Shui Po, at tumangay ng isang mobile phone.
Isa namang café-restaurant ang pinasok niya noong June 15 sa
Camp St., Cheung Sha wan, at kinuha niya ang isang mobile phone.
Sa ikawalong kaso ay pinasok niya ang isang dumpling shop sa
Lai Chi Kok Road, Mong Kok, noong June 25 at tumangay ng dalawang mobile phone.
Nasundan ito ng pagpasok sa isa pang restaurant sa Tung Choi
St., Mong Kok, noong July 1 at pagtangay sa isang tablet computer.
Ang ika-sampung kaso ay panloloob sa isang Chinese
restaurant sa Lai Chi Kok Rd., Mong Kok, noong araw ding iyon at pagtangay sa
isang mobile phone at isang kahon na may lamang isang batong jade.
Balik si Quiatchon sa panloloob kinabukasan, July 5, nang
pasukin naman niya ang isang noodle shop sa Fuk Wing St, Mong Kok, at kunin ang
isang tablet computer at isang cash box na may lamang $1,000.
Ang ika-12 ginawa ni Quiatchon ay panloloob noong araw ding
iyon sa isa pang noodle shop sa Kweilin St., Mong Kok, at pagkuha sa isang
mobile phone.
Sa ika-13 sakdal sa kanya ay ang pagnanakaw naman niya ng tatlong liham mula sa Fung Wing Street, Sham Shui Po ang sangkot. Ang unang liham ay pag-aari ng isang Iris Sun, ang pangalawa ay kay Chen Hun-yan, at ang pangatlo ay kay Tam Ping-sun.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
CALL US! |