Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Akusado sa pambubugbog sa partner, muling bigo na makalaya pansamantala

13 October 2023

Faceboook profile photo ni Bondoc 

Bigo pa ring makalaya ang isang Pilipinong waiter na akusado ng pambubugbog sa kanyang kinakasama kahit itinaas niya sa $10,000 ang alok niyang piyansa, mula sa $1,200.

Dahil dito, ibinalik sa kulungan si Ronald Bondoc, 42 taon gulang, matapos ang pagdinig sa Eastern Court kanina.

Nauna rito, hiniling ng abogado ni Bondoc na hayaan siyang magpiyansa upang makapagtrabaho at makapagpadala ng pera sa kanyang mga anak sa Pilipinas, na umaasa lang sa kanya.

Pindutin para sa detalye

Maliban sa pagtaas ng kanyang alok na piyansa, nangako rin si Bondoc na magre-report sa pulis ng Wanchai araw-araw.

Pero tumutol ang taga-usig at idiniin na gumamit si Bondoc ng sandata sa isang karahasang pantahanan.

Nagpasya si Deputy Magistrate Charles Kwok na walang nabago sa kalagayan ng kaso, kaya tinanggihan niya ang alok na piyansa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ipinaalala niya na may karapatan si Bondoc na umapela sa Court of First Instance. Dagdag ni Magistrate Kwok, may karapatan din si Bondoc na hilingin ang pagrepaso sa kanyang hiling na piyansa tuwing ika walong araw, kaya itinakda niya and susunod na pagdinig sa Oct. 20.

Inaresto at ikinulong si Bondoc matapos nyang bugbugin si Karla Gonzales noong Oct. 2 sa kanilang tirahan sa Jardine’s Crescent, Causeway Bay.

Kinasuhan siya ng “assault occasioning actual bodily harm”, na may parusang hanggang tatlong taon sa kulungan sa ilalim ng Offense Against the Person Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan rin siya ng “criminal intimidation” dahil sa umano'y pagbabanta na sasaktang muli si Gonzales. Ang krimen na ito ay may parusa na hanggang dalawang taon sa kulungan at multang $5,000 sa ilalim ng Crimes Ordinance.

Ang dalawang kaso ay kahawig ng naunang kaso kung saan nasentensiyahan si Bondoc ni Magistrate Leona Chan noong April 3 ng pagkakulong ng 10 linggo matapos ang paglilitis sa Eastern Court din, kung saan ipinagtanggol niya ang kanyang sarili.

Ang unang anim na linggo rito ay ipinataw sa kanya para sa criminal intimidation, dahil sa banta niya na susunugin  ang Philippine Consulate at saktan ang mga tauhan nito, lalo na ang isang “Arnel,” sa isang tawag sa telepono na lumampas ng isang oras noong Jan 22, 2022.

Pindutin dito

Nahatulan rin siya ng apat na linggo sa salang common assault, nang magpunta siya sa Consulate noong Jan 24, 2022 na may hawak na golf club, at pinitserahan ang isang lalaking kawani bago ito itinulak sa sahig. Pero dalawang linggo lang ang naidagdag sa sentensiya, dahil kalahati nito ay pagsisilbihan niya kasabay ng unang parusa.

Sa ikatlong pagkakasalang loitering causing concern, na nangyari noong March 28, 2022 nang magdala siya ng isang metal bar at nag-istambay sa lift lobby ng Consulate hanggang kunin siya ng pulis, ang parusa niya ay apat na linggo din. Dalawang linggo dito ang idinagdag sa sentensiya, dahil pagsisilbihan niya ang kalahati kasabay ng unang parusa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss