Ang Pacific View sa Stanley, kung saan naganap ang nakawan (23Hse photo) |
Ikinulong nang limang buwan ang isang Pilipina matapos siyang umamin na nagnakaw ng alahas na nagkakahalaga ng $81,300, na pag-aari ng kanyang amo.
Tinanggap ni Malta May Siguenza, 43 taong gulang na domestic helper, ang kanyang parusa sa pagdinig ng kanyang kaso sa Eastern Court kahapon (Oct. 3).
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang unang parusang iginawad ni Principal Magistrate Ivy Chui ay pito at kalahating buwang pagkakakulong, pero binawasan ito ng 1/3 dahil sa pag-amin ni Siguenza.
Si Siguenza ay hinuli ng pulis matapos magreklamo ang kanyang among si Julien Paul Lepine na nawawalan siya ng tatlong gintong singsing, isang silver na singsing at isang gintong kuwintas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa inamyendahang kaso na binasa sa korte kahapon, siya ay inakusahang nagnakaw ng dalawang gintong singsing at isang gintong kuwintas.
Pindutin dito |
Naganap ang pagnanakaw mula noong Pebrero hanggang Abril sa bahay ng amo sa Pacific View sa Tai Tam Road sa Stanley.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |