Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

4 na linggong kulong dahil sa paulit-ulit na pagnanakaw

18 October 2023

 



Apat na linggong kulong ang naging sentensya sa isang Pilipino matapos niyang aminin sa Eastern Court ang pagtangay ng mga pagkain mula sa isang tindahan sa North Point na may kabuuang halagang $350.

Nakita kasi sa kanyang record na bago ang kasong ito ay limang beses na siyang nahuli na nangungupit ng paninda. 

Pindutin para sa detalye

Kinasuhan si RJ Raqueno, 34 taong gulang, dahil sa pagnanakaw ng tatlong pakete ng kending tsokolate, tatlong pakete ng biskwit na may palamang cream chocolate, at isang pakete ng Ferrero Rocher chocolate mula sa Dai Sang Groceries sa Metropole Building sa King's Road noong Sept. 21.

Nakita sya ng isang tauhan ng tindahan na nagsilid ng mga produkto sa kanyang knapsack bago umalis, kaya tumawag ito ng pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang buksan ng pulis ang bag, nakita sa loob ang mga produkto at walang maipakitang resibo si Raqueno bilang patunay na binili niya ang mga ito. Nalaman din ng pulis na may $2.20 siya sa bulsa.

Sa kabila ng hiling ng abogado ni Requeno na huwag siyang ikulong dahil sa liit ng halaga ng ninakaw at naibalik naman ang mga produkto sa may-ari, binigyan pa rin siya ni Magistrate Stephanie Tsui ng karaniwang parusang anim na buwan, na binawasan ng 1/3 dahil sa kanyang pag-amin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dahilan ni Magistrate Tsui sa hindi pagtugon sa hiling ay ikaanim na ito sa mga kasong naparusahan siya, na ang pinakahuli ay shoplifting din noong 2022 kung saan nakulong din siya ng apat na linggo.

Dahil nakakulong na siya simula pa nang maaresto noong Sept. 27, makakalabas na si Raqueno bago matapos ang buwang ito.

Pindutin dito

Ayon sa abogado niya, napilitang magnakaw si Requeno dahil sa matinding pangangailangan. Hindi pa daw kasi siya pwedeng magtrabaho habang nilalakad ang kanyang dependent’s visa matapos siyang kunin sa Pilipinas ng kanyang mga magulang na parehong residente.

Naiwan niya sa Pilipinas ang asawa at tatlong anak na kailangan niyang suportahan, dagdag nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss