Sa footbridge na ito sa Central nahuli ang akusado |
Bigo ang isang
Pilipina na payagan siyang magpiyansa matapos ihayag ng tagausig sa korte na 27
taon na itong overstay o namamalagi nang illegal sa Hong Kong.
Humarap sa
Eastern Court nitong Martes, Oct. 10, si Josephine Rescate, 61 taong gulang,
dahil sa sakdal na pag overstay, o pananatili sa Hong Kong ng walang pahintulot
ng gobyerno.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa tagausig, overstay na si Rescate na dating domestic helper noon pang Sept. 29, 1996 matapos ma-terminate. Nanatili siyang nakatago hanggang mahuli nitong Sept. 7, 2023 sa may footbridge malapit sa Exit A ng Central MTR station.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi dinetalye sa korte kung paano siya nahuli. Hindi rin pinagsalita si Rescate bagamat may tagasalin sa wikang Tagalog na nagsabi sa kanya kung ano ang mga sinasabi ng hukom at ng tagausig.
Itinakda ni
Magistrate Stephanie Chui ang susunod na pagdinig sa Nov. 21 para mabigyan ng
dagdag na panahon ang tagausig na pag-aralan ang kaso.
Pindutin dito |
Ibinalik si Rescate
sa kulungan hanggang sa itinakdang petsa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |