Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pilipinang overstay, pinayagang magpyansa

01 October 2023

 

Parehong kinasuhan ng overstaying ang 2 Pilipina

Dalawang Pilipina ang humarap sa magkaibang korte nitong Biyernes (Sept. 29) upang sagutin ang akusasyong namalagi sila sa Hong Kong nang lampas sa panahon na itinakda sa kanilang visa.

Ang kaso sa Eastern Court ni Emelita Arista, 62 taong gulang at asylum seeker, na overstaying o paglabag sa Section 41 ng Immigration Ordinance ay isinampa noon pang 2017, matapos siyang mahuling nag shoplifting.

Nakita sa record niya na 13 taon na siyang overstay noon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa asunto, dumating si Arista noong 2004 bilang turista at hindi na umalis kahit binigyan siya ng taning na Oct. 4, 2004.

Nahuli siya ng mga pulis pagkalipas ng 13 taon, o noong Feb. 19, 2017 dahil sa shoplifting.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos siyang mahatulan noong March 11, 2017 dahil sa pagnanakaw, nagalit ang mahistradong humawak sa kaso niya na si Bina Chianrai nang malamang hindi magalaw ang kanyang kasong overstaying dahil nag-apply siya ng non-refoulement pagkatapos syang maaresto dahil sa pagnanakaw. 

Ang dahilan niya ay papatayin siya ng kanyang pamangkin, ayon sa report ng The SUN noong Sept. 26, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“After the defendant was arrested in 2017 only did she become an asylum-seeker?” tanong ni Chianrai. (Pagkatapos maaresto ang nasasakdal noong 2017 ay saka lang siya naging asylum seeker?)

“In this situation, the prosecution must revisit her case. If somebody overstays for 13 years and applies for asylum after being arrested, it is an abuse of the system, especially when there are so many others with more valid reasons,” dagdag niya. 

(Sa ganitong sitwasyon, dapat balikan ng taga-usig ang kaso niya. Kung ang isang tao ay nag-overstay ng 13 taon at nag-apply ng asylum pagkatapos siyang maaresto, ito ay abuso sa sistema, lalo na't maraming iba na may mas katanggap-tanggap na dahilan." 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero hindi lang ito ang problema sa kaso niya. Nauna na ring naibalita sa The SUN na wala siyang pasaporte kaya nahirapan ang taga-usig na matukoy ang kanyang tunay na pagkatao.

Sa pagdinig nitong Biyernes, pinag-piyansa siya ng $1,000 upang makalaya hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso, na itinakda sa Dec. 22.

Pindutin dito

Sa Fan Ling Court naman, si Irene Sebastian, 38 taong gulang, ay inakusahang nag overstay ng dalawa't kalahating taon.

Ayon sa record ng immigration, dapat ay umalis na siya sa Hong Kong noon pang Feb. 7, 2021, ang huling araw ng kanyang visa bilang domestic helper, o dalawang linggo matapos siyang ma-terminate.

Pero namalagi pa siya hanggang mahuli siya ng pulis na nagpapatrulya sa Po Yick Street sa Tai Po noong Sept. 7.

Isinampa ang kaso noong Sept. 26, at tinawag siya sa korte sa ikatlong araw.

Matapos siyang payagan na magpiyansa ng $5,000 upang makalaya nang pansamantala, inutusan siyang bumalik sa susunod na pagdinig sa Nov. 29.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
Don't Miss