Kitang kita na hawak sa leeg ng babaa ang bata habang itinatawid sa kalsada |
Umani
ng batikos ang isang babae na nakuhanan sa isang 14-second video na pinulupot ang kamay sa
kanyang alagang batang lalaki bago itinawid sa kalsada. Ayon sa mga nag
komento, nangyari ito sa tapat ng Tin Hau MTR station nitong Martes.
Ang nag video ay maririnig na pinapagalitan ang tagapag-alaga at sinasabing mag-ingat sa paghawak sa bata dahil ito ay nasasaktan. Binalaan din niya ito na kinukunan siya ng video.
“Be careful, you’re hurting her (sic). I’m recording you. You’re being rude to this kid. What happened to you?”, sabi ng nag video na boses babae. (Mag-ingat ka, nasasaktan siya. Nire-record kita. Masyado kang salbahe sa bata. Ano ang nangyari sa iyo?)
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“He don’t want to go to school. I told him…” (Ayaw niyang pumasok sa eskwela. Sabi ko..) sabi naman ng kasama ng bata na sa hitsura at tono ng pananalita ay isang Pilipina, bago biglang naputol ang video.
Agad na inakala ng marami na isa itong domestic helper dahil ang bata ay Intsik ang hitsura, pero walang makapagsabi ng tiyak kung ano talaga ang kanilang relasyon.
Pero makikita sa video na naiiyak ang bata na base sa kanyang uniform ay nag-aaral sa Victoria Kindergarten na nasa di kalayuan. Pilit nitong tinanggal ang kamay ng tagapag-alaga sa kanyang leeg at nang lumapit ang nag video ay tumingin dito ang bata na parang nagmamakaawa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Na post ang video sa isang Facebook page na karamihan ng mga miyembro ay mga Intsik, bago kumalat ang balita sa iba-ibang news website.
Gayunpaman, wala daw nagreklamo sa kanila mula sa lugar na nabanggit tungkol sa ganitong insidente, sabi ng isang tagapagsalita ng mga pulis.
May ilan na din na mga reporter ang nagtanong tungkol dito pero pareho lang din ang kanilang sagot.
Pilit inaalis ng bata ang kamay ng babae habang mukhang naiiyak |
Karamihan ng mga nagkomento sa istorya na nilathala sa pahina ng Domestic Workers Corner na pawang mga Pilipina ang mga miyembro ay nagsabing mali talaga ang tagapag-alaga dahil dapat ay sa kamay lang daw nito hinahawakan ang bata habang itinatawid sa kalsada.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sabi ni Amy Sarabia, “Iba yong pagkarga ni ate. Pwede (naman) buhatin nang maayos o hawakan mabuti ang kamay o kausapin mabuti yung alaga. Ang mga bata dito makulit kaya dapat kausapin nang maayos. Laging tandaan na dito sa labas maraming nag video.”
Sagot naman ni Winnie Jimenez sa isang komento, “Makukulong siya kapag nakita ng amo yong video, sa ginawa niya sa bata. Child abuse yan.”
Agad namang may sumagot sa kanya na isang Pilipina pero Chu Biex ang gamit na pangalan, at inilagay ang reaksyon naman daw ng mismong ina ng bata, na sa salitang Intsik, pero kung isalin sa English ang lalabas ay sinasabi nito na nabigla lang daw ang kanyang “little sister” dahil natakot na baka mahuli ang bata sa eskwela. Ang totoo daw ay tunay na mahiyain at maamo ang “sister” niya na ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Gayunpaman, nagpasalamat ang sinasabing amo sa mga nagpakita ng pagkabahala sa sinapit ng anak, pati na rin sa kumuha ng video.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |