Dalawa sa tatlo ang nakalabas sa korte na malaya. |
Inabsuwelto ngayon sa kasong ilegal na pagtatrabaho at pagtitinda ng alak nang walang lisensiya ang tatlong Pilipinang inaresto sa isang kainan sa alley-alley mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Pero dalawa lang sa kanila – sina Myrna Reyes, 33 taong
gulang, at Rowena Abelido, 42 -- ang nakalabas sa Eastern Court mahigit isang
oras matapos basahin ni Deputy Magistrate Maria So ang hatol sa kanila.\
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang ikatlo, si Mary Jean Batalla, 52 taong gulang, ay
sinundo at idinaan sa likod ng gusali ng dalawang Immigration officer dahil sa
hiwalay na kaso, ayon sa napagtanungan ng The SUN. Lumabas sa paglilitis na na overstay nya ang kanyang visa ng walong taon.
Ayon kay Magistrate So, may posibilidad na hindi mga tamang tao ang naaresto nang mag-raid ang mga pulis sa ikawalong palapag ng Fai Man Bldg., sa Li Yuen Street West, Central noong
Aug. 19, 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanya, hindi nagtugma ang deskripsyon ng unang dalawang saksi nang sila ay tumestigo tungkol sa suot at height ng tatlong babaeng inobserbahan nila ng dalawang oras, sa testimonya ng ikalawang pares ng saksi na siyang umaresto sa
tatlo.
Sinabi niya tapat at mapagkakatiwalaan ang testimonya ng apat na
saksi, na pawang mga pulis, pero hindi maitatatwa na magkaiba ang pagkakalarawan
sa mga akusado.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pinansin rin niya na wala ang unang dalawang saksi sa kainan nang arestuhin
ang tatlo.
Si Batalla ay kinasuhan ng pagtitinda ng alak nang walang
lisensiya, at pagtatrabaho kahit overstayer.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Reyes, na isang asylum seeker, ay kinasuhan din ng pagtitinda
ng alak nang walang lisensiya, at pagtatrabaho kahit bawal, dahil mayroon nang
utos na paalisin siya sa Hong Kong.
Si Abelido, na asylum seeker din, ay kinasuhan ng pagtatrabaho
kahit bawal, dahil mayroon nang utos na paalisin siya sa Hong Kong.
Pagkatapos mahatulan, nakita ang tatlo na pumipila sa
cashier ng korte upang bawiin ang kani-kanilang piyansang tig-$1,000.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |