Isang Pilipino ang hindi pinag-piyansa at sa halip ay ibinalik sa kulungan nitong Lunes matapos humarap sa Kowloon City Court sa kasong pagtatangka na manloob o attempted burglary.
Itinakda ni Principal Magistrate Don So sa Oct. 31 ang susunod
na pagdinig laban kay Arnulfo dela Rosa, 46 taong gulang at walang trabaho, nang
hilingin ng taga-usig ng dagdag na panahon upang mabuo ang kaso laban sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kasong isinampa ng Kowloon City Police, pumasok si dela
Rosa nang walang pahintulot at may intensiyong magnakaw sa isang flat sa Mei
King Mansion Phase 1 sa King Street, Hung Hom, noong Aug. 9.
Inakusahan siyang lumabag sa Theft Ordinance at Crimes Ordinance.
Ayon sa Section 11 ng
Theft Ordinance, ang krimeng panloloob o burglary, ay may parusang aabot sa 14 taong
pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon naman sa Crimes Ordinance,
ang pagtatangkang gumawa ng krimen ay itinuturing na krimen na rin, kahit hindi
natuloy ang tangka.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |