Dati nang nasentensyahan ang Pilipina sa Eastern Court dahil sa drogat at pag-overstay |
Muling humarap sa Eastern Court kanina, Lunes, ang Pilipinang si Janice Lavinia Sahagun, 41 taong gulang, para sa kasong money laundering matapos itaas ang halaga ng perang galing sa krimen na dumaan sa kanyang account sa WeLab Bank sa $1,064,000.00
Si Sahagun ay dati nang nakakulong matapos mahatulan
na makulong ng limang buwan at 10 araw noong June 23 dahil sa pag-overstay at
paggamit ng droga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sa kanyang unang pagharap sa korte noong Aug. 3 ay
$170,000 lang ang perang galing sa krimen na unang nakita sa kanyang account na
ginamit niya ng walong araw lang, mula Nov. 8 hanggang Nov 16 noong nakaraang
taon.
Ayon sa sakdal, ang paggamit o paghawak ng perang
galing sa krimen ay paglabag sa sections 25(i) at 25 (3) ng Organized and
Serious Crimes Ordinance, Cap 455.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ibinalik si Sahagun sa kulungan at inatasang bumalik
sa korte sa October 9 para sa muling pagdinig ng kanyang kaso. Nauna dito ay
nagpahiwatig siya na handa na siyang umamin sa bagong sakdal laban sa kanya,
pero sa hindi malinaw na dahilan ay hindi niya tinuloy.
Ayon sa binasang salaysay bago siya
sentensyahan sa kanyang naunang kaso ay na-terminate si Sahagun bilang domestic
helper noong March 16 at hindi umalis ng Hong Kong pagkatapos ng itinakdang
dalawang linggong palugit. Nang mahuli siya ay 13 araw na siyang overstay.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Para sa kanyang pananatili sa Hong Kong
ng walang visa ay dapat siyang nakulong ng 7.5 buwan, pero binawasan ito ng 1/3
dahil sa kanyang ginawang pag-amin kaya naging 5 buwan na lang.
Ang dagdag na 10 araw ay dahil
nakitaan siya ng isang plastic bag na may lamang 1.26 gramo ng shabu nang
mahuli siya noong April 12 sa Sai Wan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Matapos ang pagsusuring iniutos ni
Magistrate Ivy Chiu kay Sahagun ay nakumpirma na ang droga ay para sa kanyang pangsariling
gamit.
Ayon sa kanyang abugado, malinis ang
record ni Sahagun bago siya maaresto.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |