Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, mananatiling kulong dahil sa 3 kaso ng pagsinungaling sa Immigration

30 September 2023

Itutuloy ang kaso sa Shatin Court

Isang Pilipina ang ibinalik sa kulungan nitong Biyernes matapos tanggihan ang hiling niyang makapag-piyansa sa kasong pagsisinungaling sa Immigration at pagtulong sa dalawa pa na magsinungaling din upang makakuha ng working visa bilang domestic helper.

Ayon sa kasong isinampa ng Immigration Department laban kay Russel Eco, 33 taong gulang, nagsimula ang tatlong kaso ng pagsisinungaling noong April 26 nang turuan at tulungan niya ang kapwa niya Pilipinang si Agnes Lovely Villanueva na sabihin sa isang Immigration officer na magtatrabaho siya bilang domestic helper sa isang Chan Hong Tak, kahit alam niyang hindi ito totoo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Pindutin para sa detalye

Ganito rin ang alegasyon sa ikalawang kaso, kung saan tinuruan at tinulungan niya diumano noong June 6 ang kapwa Pilipinang si Elvira Caburnay, na magsinungaling sa isang Immigration officer nang sabihin nitong magtatrabaho siya bilang DH kay Ko Chi-ik.

Sa dalawang kasong ito, kinasuhan si Eco sa Shatin Court ng paglabag hindi lang sa Immigration Ordinance, kundi maging sa Criminal Procedure Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Section 42 (1) (a) ng Immigration Ordinance, ang pagsisinungaling sa Immigration ay may kaparusahang aabot sa dalawang taong kulong at multang aabot sa $100,000 kung ang kaso ay hindi umabot sa paglilitis, hanggang pagkakakulong ng 14 na taon at multang $150,000 kapag nilitis.

Ayon naman sa Section 89 ng Criminal Procedure Ordinance, ang pagtuturo at pagtulong sa mga tao upang magsinungaling sa isang kawani ng gobyerno ay itinuturing na gumawa ng kaparehong pagkakasala at may parusang aabot sa dalawang taon at multang $5,000 para sa maliliit na kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa ikatlong kaso ay inakusahan si Eco ng paglabag ng Immigration Ordinance, dahil siya na mismo ang nagsinungaling nang sabihin niya sa isang Immigration assistant noong Aug. 12 na siya ay magtatrabaho bilang DH kay Wong Lut-ki Nikki George.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Dec. 22.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss