Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, lusot sa kasong pagnanakaw

05 September 2023

 

Hapon na nang matapos ang kaso sa West Kowloon Court

Agad na pinalaya ang isang Pilipina na inakusahan ng kanyang amo ng dalawang kaso ng pagnanakaw – isang $300 cash noong Hunyo at isang brilyanteng singsing na nagkakahalaga ng $5,900 nitong Hulyo, dahilan para siya ikulong.

Sa pagharap ni I.J. Bartolome, 33 taong gulang sa West Kowloon Court nitong Lunes, nagkasundo ang magkabilang panig na isailalim siya sa bindover, o pangakong hindi gagawa ng paglabag sa batas sa loob ng isang taon, kundi ay magbabayad siya ng $1,000.

Pumayag din siyang bayaran ang amo ng $300 bilang danyos.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kapag tumupad siya sa napagkasunduan ay hindi siya magkakaroon ng criminal record sa Hong Kong.

Samantala, nauna nang nagdesisyon ang tagausig na iatras ang kasong pagnanakaw ng brilyanteng singsing na nagkakahalaga diumano ng $5,900 dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Dahil sa paratang na ito kaya inaresto si Bartolome noong July 16 sa bahay ng kanyang amo sa Horizon Place, Kwai Chung.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinanggi naman ni Bartolome ang unang paratang, na ninakawan niya ang among si Lam Si-ni ng $300 noong June 2 sa kanyang bahay.

Ayon sa Pilipina, totoong kinuha niya ang $300 sa isang kahon ng amo, pero pinambili niya ito ng gatas ng kanyang alagang bata, alinsunod sa utos ng magulang nito, na siyang  amo niya mismo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa pagtanggi, naghanap si Acting Principal Magistrate Veronica Heung ng petsang puwedeng gawin ang paglilitis sa lalong madaling panahon.

Nang mabigo siyang itakda ang pagilitis sa dalawang pinakamalapit na petsa – Sept 12 at Sept. 29 – dahil hindi magkatugma ang libreng  araw ng magkabilang panig, nagreklamo si Magistrate Heung na sobra nang tumatagal ang pagkakapiit ni Bartolome sa maliit na halagang $300.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dapat nang pag-usapan nila kung paano ma-resolba ang kaso dahil hindi ito makatarungan kay Bartolome, dagdag niya.

Nang bumalik sa korte ang dalawang panig sa panghapong sesyon at iprisinta kay Magistrate Heung ang bindover na kasunduan, agad niya itong inaprubahan.

Dahil sa nangyari, talo pa rin si Bartolome dahil hindi man siya magka record, nawalan naman siya ng trabaho at nakulong pa siya ng mahigit isang buwan.


Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss