|
Ang lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw. |
Ipinakulong ng dalawang buwan at pinagbayad ng $8,000 ang
isang Pilipinang domestic helper matapos
siyang umamin na nagnakaw ng cash na $20,000 sa kanyang among taga-Kowloon Tong.
Si Ma. Rowena Balambao, 39 taong gulang, ay ibinalik sa
kulungan upang pagsilbihan ang kanyang sentensiya, matapos siyang hatulan kahapon (Sept. 21) ni Principal
Magistrate Don So sa Kowlooon City Court.
Pinatawan siya ng tatlong buwang kulong bilang parusa sa
paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagtatakda ng parusa na hanggang 10 taong pagkakulong.
Dahil sa kanyang pag-amin ay binawasan pa ito ni Magistrate
So ng 1/3 o isang buwan, kaya naging dalawang buwan na lang.
Pero dahil nakita sa gamit ni Balambao ang $8,000 na natitira
sa cash na kanyang ninakaw, inutos ni So na isauli niya ito sa kanyang amo.
Ayon sa report ng Kowloon City Police, nangyari ang
pagnanakaw sa pagitan ng Abril at Sept. 5 ngayong taon sa bahay ng amo ni
Balambao sa Welcome Gardens, Broadcast Drive sa Kowloon Tong.