Noong Marso lang ay ikinulong ang Pilipina dahil sa pangangalakal ng marijuana. |
Isang Pilipina at isang Pakistani na kasama niyang inaresto sa loob ng isang hotel room nang i-raid ito ng mga pulis noong Abril, ang binasahan kahapon (Sept. 18) ng kasong pangangalakal ng droga sa Kowloon City Court.
Si Rhea Nerissa Maristela, 27 taong gulang at isang waitress, ay sinampahan ng dagdag na kasong paglabag
sa Public Order Ordinance dahil hindi agad
nakapagpakita ng Hong Kong ID card nang hingin ito ng pulis na umaaresto sa kanya at sa kasama niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Si Maristela na inutusang makulong ng 10 linggo noon lang Marso dahil din sa kasong
drug trafficking, ay nahuli kasama ang
Pakistani na si Rizwan Muhammad, 35, sa isang silid sa Toronto Holidays Guest
House sa 15 Jordan Road, Yau Ma Tei noong April 27.
Kinasuhan sila ng pangangalakal ng droga, pero hindi
sinabi kung gaano kadami ang drogang nasamsam sa kanila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pareho silang ibinalik sa kulungan matapos sabihin ng taga-usig na kailangan nito ng dagdag na panahon upang mabuo ang kaso laban sa kanila.
Itinakda ni Principal Magistrate Don So ang susunod na pagdinig
sa Nov. 13.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa nauna niyang kaso na drug trafficking, nasentensyahan si Maristela matapos mahulihan ng 243.43 gramo ng marijuana sa Nathan Road sa Tsim Sha Tsui noong Oct. 13, 2022.
Nauna rito ay nasentensyahan naman siya ng dalawang
taong pagkakakulong, kasama ang isa pa, dahil sa paggamit ng tatlong pekeng $500
para bumili ng pagkain at iba’t ibang bagay, at pagbulsa ng sukli.PINDUTIN PARA SA DETALYE
Ang hatol na ibinaba ni District Court Judge
Amanda Woodcock noong Oktubre 2021 ay inapela nila, pero pinagtibay ng Court of
Appeal noong Marso ng nakaraang taon.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |