|
Ginagamit ang mga ninakaw na personal na detalye para sa scam, ayo sa pulis (File) |
May bagong paraan na ginagamit ang mga masasamang
loob para mang scam, at ito ay ang paggamit ng HKID card ng ibang tao para
makapagparehistro ng SIM card sa telepono, na siya nilang ginagamit para
manloko.
Ito ay ayon sa pulis, na nagbalita na nitong Huwebes
na may naaresto silang 23 katao na pinaghihinalaang nasa likod ng ilang
dosenang scam kung saan nawalan ng kabuuang halaga na $6.5 million ang mga
biktima.
Umabot sa 42 ang mga nabiktima, kabilang ang isa na
nawalan ng $1.36 million sa isang tumawag sa telepono at nagpakilala na pulis
sa Mainland.
Sabi ng mga pulis, dumami ang mga ninanakawan ng
personal na detalye para magamit ang mga ito sa scam matapos ilunsad ang
sapilitang pagparehistro ng mga SIM card sa pangalan ng gumagamit nito.
Dalawa daw sa mga naaresto ay mukhang naibigay ang
kanilang mga personal na detalye sa mga manloloko nung mag-aplay sila online ng
trabaho, at ginamit naman ito ng mga scammer para magrehistro ng bagong numero
ng telepono, ayon kay inspector Kwok Ka-shing.
Ang iba naman ay inaresto dahil pumayag na maging
sugo sa pangongolekta ng pera mula sa mga biktima, o ipinahiram ang kanilang
account sa bangko para magamit sa money laundering ng mga sindikato.