|
Nag selfie and tunay na Catriona (kanan) sa tabi ng kanyang wax figurine sa Madame Tussauds |
Gusto mo bang makita si 2018 Miss Universe Catriona
Gray suot ang kanyang ginamit na kakaibang gown na ang kulay ay parang
nagbabagang lava ?
Hindi mo man siya makita nang personal ay maari mo namang
makita ang kanyang life-size na wax figurine sa Madame Tussauds Hong Kong sa
The Peak.
Simula kahapon, September 1 hanggang November
30, 2023 ay maaring makapasok ang mga
Pilipinong nakatira sa Hong Kong sa Madame Tussauds gamit ang discounted
special ticket na halagang HK$178 imbes ang regular na halagang $299, na may
kasama pang VIP digi-pass.
ard bilang patunay ng kanilang pagiging residente sa Hong Kong. Kabilang
sa mga maaring bumili ng espesyal na ticket na ito ang mga foreign domestic
worker, may employment visa, o estudyante sa Hong Kong.
Sa Madame Tussauds ay hindi lang si Catriona ang
makikita kundi ang marami pang mga sikat na personalidad sa buong mundo,
kabilang ang mga presidente, reyna at hari, at mga artista sa Hollywood.
Si Catriona ang pangatlong Pilipino na pinarangalan
ng sikat na wax museum. Ang dalawang nauna ay ang kanyang kapwa Miss Universe
na si Pia Wurtzbach at ang sikat na boksingerong si Manny Pacquaio.
Ang suot ni Catriona na gown na nagpauso sa tawag na
“lava walk” dahil sa kanyang kakaibang maindayog na paglalakad ay gawa ng designer
na si Mak Tumang, samantalang ang kanyang suot na sapatos ay likha ni Jojo
Bragais.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook
page ng Madame Tussauds sa @madametussaudshongkong o i-click ang link na
ito: https://bit.ly/3srZ4vg.