Ang pinangyarihan ng away |
Isang Pilipino ang pinagbayad ng $2,000 bilang multa matapos umamin na nakipag-away siya sa tatlong Intsik sa tapat ng isang Indian restaurant sa Lan Kwai Fong, Central.
Inamin ni E.Torres. 23 taong gulang at isang waiter,
ang paratang ng investigation team ng Central Police nang humarap siya kahapon
(Sept. 19) kay Principal Magistrate Ivy Chui sa Eastern Court.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Parehong pinagmulta rin ng $2,000 ang dalawa pang Intsik na
umamin din sa pagsali sa away -- sina Li Qiuxion, 54 taong gulang na negosyanteng
may two-way permit; at Huang Kenjia, 39 taong gulang na garment factory worker
na mula sa China.
Ang ikaapat na kasama sa kaso, si Wong Hok Mo, 53 taong
gulang na property management technician, ay hindi umamin kaya ipinagpaliban
ang pagdinig ng kanyang kaso sa Nov. 14.
| ||
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nakalaya siya sa piyansang $500.
Naganap ang pag-aaway noong Aug. 21 sa harap ng Carat Fine
Indian Cuisine & Bar sa D’Aguilar St. sa Central.
Ang pinakamataas na parusa sa pag-aaway sa pampublikong lugar, ayon sa Chapter 25 ng Public Order Ordinance, ay multang $5,000 at pagkakakulong nang isang taon.
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
PADALA NA! |
CALL US! |